Sebastian's POV: Now playing: Break it to me gently by Angela Bofill Nang makita ko si Serah na maingat na bumababa sa hagdanan ay napangiti ako nang sinundan ko siya. Nais ko sana siyang gulatin dahil medyo may pagkamatatakutin pa naman itong si Serah ko , e. Dati, kapag gabi ay lagi itong nagpapasama sa akin sa tuwing bumababa siya ng kusina upang uminom sa tuwing naroon kami sa bahay ko o sa bahay niya. Naalala ko, sobrang saya namin noon. Sa tuwing uwian niya sa kan'yang trabaho ay palagi niya akong inaabangan. Napaka-maasikaso niya sa akin. Kung minsan ay siya ang nagluluto ng kakainin ko. At kung minsan naman ay sabay kaming maligo. Kulang na lang sa amin ni Serah ay kasal. Alam kong iyon rin ang hinihintay niya sa aming dalawa, ang pakasalan ko siya. She’s everything that I ev

