Abby's POV: Hindi talaga ako makapaniwala na nagawa iyon ni Daddy kay Mommy. Akala ko loyal siya kay Mommy, punyeta doon pa sa babaeng kinamumuhian ko! Kaya naman pala ang lakas ng loob ako taray-tarayan dahil may backer. H'wag na h'wag na siyang magkakamali na lumapit sa'kin, baka ilibing ko na siya sa sobrang galit ko sa kan'ya. Tangina talaga! Nakakabadtrip 'yung babaeng iyon! Matapos makatulog ni Mommy sa room niya ay lumabas na ako. Pumasok muna ako ng silid ko para magpalit ng damit at tsinelas. Nagsuot lang ako ng maikling palda at crochet top. Pagkatapos ay lumabas na rin ako. Pagdating ko sa living room ay naghihintay roon si Corson at Rem. "Okay na siya?" Tanong sa akin ni Rem. "Nakatulog na pero andoon sila kuya kaya kahit lumabas ako ay may nagbabantay." Tumango-tango

