Abby's POV: "Happy Birthday!" Bati sa akin ng isang kaibigan ko. Kadarating lang din nila Mommy. Sa sobrang dami nilang inaasikaso ay ngayong gabi lang talaga sila nakauwi. Mabuti na iyon kesa naman sa hindi sila nakadalo sa birthday ko. Nag-hire pa talaga si Mommy ng make-up artist para sa akin. Parang magde-debut lang ako. I was wearing a blue gown that had a high slit on the side, Rem and Corson wore the same color as mine. Kasa-kasama ko silang dalawa habang tumatanggap ng bisita. Parehas silang nakahawak sa beywang ko. "Happy birthday, inaanak!" Sabay beso sa akin ni ninang Estella. "Ang ganda-ganda naman talaga ng inaanak ko." Bola niya pa sa akin. "Thank you po, halika na po, kain na kayo!" Yaya ko sa kan'ya para makakain na sila ng kasama niya. "Ang dami mo rin bisita ano!

