NATHALIE'S POV Habang natutulog ako may galaw ng galaw sa tabi ko. Di ko na lang pinansin dahil inaantok pa ako. Pero biglang akong dinaganan. Minulat ko ang mata, nakita kong si Chase iyon. Napangiti na lang ako. Tinignan ko kung anong oras pa lang. 6 pa lang ng umaga. Ang aga nagising ng kambal. "Ma-ma!"-Tawag sa akin ni Chase. Napatingin ako kay Clyde na tulog pa. Ang himbing ng tulog niya. Kaso kinukurot siya si Clylie kaya nagigising siya. "No anak! Tulog pa si Papa."-Sabi ko at agad naman siyang pumunta sa akin. Akala ko titigil na sila sa kakulitan nila! Umalis sila sa tabi ko at lumipat kay Clyde na siya ng kinukulit nila. "Hahaha! Wag diyan anak! May kiliti si Papa diyan!"-Sabi ni Clyde na tawa ng tawa. Napatawa din tuloy ako bigla! Tinitigan ko silang tatlo na nagkikili

