CHAPTER THREE

1194 Words
Sea’s POV Para na akong nababaliw sa mga oras na ito. Hindi kasi ako pwedeng magkamali. Si Daddy ang nakita ko—tindig pa lang niya, kilalang-kilala ko na. Nasaan na kayo, si Daddy? At hindi ko rin siya makontak; binlock ata ako nito sa phone niya. Nag-aalburuto na ang best friend ko na panay sunod sa akin. “Ano ba, Sea! Kanina ka pa hindi mapakali diyan! Hindi ka ba nahihilo sa ginagawa mo?” “Ano ba kasing nangyari sa’yo? Kanina ka pa wala sa sarili mo, ah? Sino ba kasi iyong nakita mo kanina at bigla kang nagkaganyan? Sana hindi na lang ako sumama sa’yo,” dagdag pa niya. Napasabunot na lang ako sa aking buhok. “Have you seen my dad? Kasi nakita ko siya kanina lang.” Napakunot naman ang noo ni Alexis. Walangya talaga kausap ang babaeng ito. “Nope, iyong nerd boy lang nakita ko—iyong lalaki na naka—” Mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil alam ko na ang kasunod nito. Uulitin pa niya talaga ang bangungot na iyon. Maipanganak ko lang ang quadruplets na ito, babalik talaga ako sa dati. At kung itutuloy ni Daddy ang plano niya na maipakasal ako kay Hazler, hindi niya ako mapipigilan sa paghahasik muli ng lagim. Mairaos ko lang talaga ang mga batang ito. Namimiss ko na kasi gawin ang mga katarantaduhan ko no'n. “Then what will we do? Tatayo lang ba tayo here at hahanapin ang Daddy mo? Akala ko ba magsho-shopping at ililibre mo ’ko, Sea?” Napairap na lang ako. Like what I’ve promised, nilibre ko siya ng anumang gusto niya. Pero ako? Kung anu-ano ang kinuha niya at binayaran ko na naman gamit ang credit card ko. “You want?” inalok pa niya ako ng ice cream. Mariin akong umiling; wala kasi ako sa mood na kumain o bumili ng kung ano para sa akin. Si Daddy ang nasa isip ko, wala nang iba pa. Alam kong may tinatago siya sa akin at aalamin ko kung ano iyon. Wala akong pakialam kung maging detective ako nang wala sa oras. Palinga-linga lamang ako sa paligid, nagbabakasakali na muling mahagip ng mga mata ko si Daddy. Ngunit nabigo ako—gumabi na lang, at hindi ko muli nakita si Daddy. Napagdesisyunan kong umuwi nalang kami. Napahinto ako sa paglalakad nang magsalita si Alexis. “Are you sure you’re okay? Kanina ka pa kasi tulala at wala sa sarili mo. Ni-isa ay wala kang binili at hindi ka rin kumain. Okay ka lang ba talaga, Sea? Ano bang bumabagabag sa isip mo?” “W-wala, pagod lang siguro ako.” Bumeso siya sa akin at nagpaalam. “Thank you talaga sa mga ito ha? Hindi ko talaga na-expect na bibilhin mo lahat ng gusto ko.” Wala namang problema sa akin iyon. I can buy anything she wants naman kahit afford niya rin ang mga ito. I really love my best friend. “Welcome!” Kaniya-kaniya na kaming nagtungo sa kotse namin. Pagdating ko sa mansyon ay hindi pa rin nakauwi si Daddy. “Manang, hindi ba siya tumawag sa inyo?” tanong ko sa isa sa mga kasambahay namin. Umiling lamang ito. Pagsapit ng gabi, napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang busina ng kotse ni Daddy. Agad akong sumilip sa bintana. It was him but he’s with someone. Kaya’t lumabas ako ng aking kwarto. “Dad? Bakit mo kasama ang lalaking iyan? At saka saan ka galing? Nagpunta ka ba sa mall kanina? I saw you kanina, eh.” Umupo muna siya bago tumugon sa mga tanong ko. Umupo rin si Hazler. “Nandito siya dahil pinapunta ko siya rito. Gusto kong pag-usapan natin ang kasal ninyong dalawa.” Napataas ang isa kong kilay nang marinig ito. Agad-agad? “Ano? Can you give me some more time, Dad? Hanggang ngayon kasi ay hindi ko matanggap na ikakasal ako sa lalaking iyan. I don’t love him,” reklamo ko pa. Bumaling ng tingin si Daddy kay Hazler. “Ngunit anak, kailangan ka niyang pakasalan dahil maaaring masira ang reputasyon ng pamilya natin,” aniya. Napatampal na lang ako sa aking noo. “No, Dad. Hindi ako magpapakasal sa lalaking iyan over my dead body!” mariin kong sagot. “Whether you like it or not, Sea, magpapakasal ka sa kaniya. At maya-maya ay darating ang mga magulang niya para mapag-usapan ang kasal ninyo.” Kung kinakailangang maglayas ako ay gagawin ko, huwag lang maikasal sa lalaking iyon. Gwapo naman siya, at sa kaniyang postura ay halata namang anak siya ng mayaman, ngunit hindi ko talaga siya gusto. Alas-siyete ng gabi, dumating ang parents ni Hazler may kasama itong batang babae na sa tingin ko ay limang taong gulang pa lang. Kumaway pa ito sa akin, ang lapad ng ngiti niya. “Mom, Dad!” rinig kong tawag ni Hazler. Sinalubong niya ang mga ito at bumeso. Kinarga niya ang batang babae at hinalikan ang noo nito. “I missed you, Kuya.” Tumigil ito sandali at bumaling sa akin. “Siya ba ang magiging asawa mo, Kuya? She’s so pretty, like me.” Sabay turo nito sa akin. Matipid na tumango si Hazler sa akin, ni hindi man lang makatingin nang diretso. “Yes, baby. Siya ang magiging asawa ko at magiging sister-in-law mo. You can call her Ate Sea,” sagot niya. Napaismid na lang ako. Nagulat pa ang bata. “Sea? As in dagat, Kuya? She has a unique name, Kuya. I really like it.” Binaba na niya ito. Lumapit ang bata sa akin at pinisil ang mukha ko. “You’re so pretty, Ate Sea. I am Jessica, or you can call me Jess na lang po.” So, Jessica pala ang pangalan niya. “Okay! Go back to your mom, wala ako sa mood makipag-usap sa batang hindi ko kilala,” sambit ko pa sa kapatid ni Hazler. Nalungkot ang mukha nito. Iyong saya na naramdaman niya kanina ay napalitan ng lungkot. Anumang oras ay iiyak na ito sa harap ko habang nakakalong sa akin. Langya talaga! Baka isipin ng mga magulang ni Hazler na kinurot ko ang anak nila. Bago pa ito umiyak ay tumayo na ako wala ako sa mood makinig sa pag-uusapan nila. Hindi ako interesado. Hahakbang na sana ako nang biglang umiyak si Jessica. Sh*t, umiyak nga siya. “Sea? What did you do?” maawtoridad na tanong ni Daddy sa akin. Napairap na lang ako. “I didn’t do anything to her. Excuse me, akyat muna ako sa kwarto ko,” sagot ko pa. At nag-walk out ako. “What the hell are you going, Sea? Huwag kang bastos! Huwag mong bastusin ang mga bisita natin. You stay here!” Bastos na kung bastos. Ayokong makinig sa anumang pag-uusapan nila. Umakyat na ako sa kwarto ko. Bahala na kung magalit sa akin si Daddy, wala akong pakialam. Sa ginawa niyang pag-block sa akin at hindi niya pag-uwi dito sa mansyon, lalo akong nagtampo sa kaniya lalo na’t pinipilit niya akong magpakasal sa walangya na lalaking iyon. Dinoble-lock ko ang pinto ng kwarto ko at sabay isinaksak sa magkabila kong tenga ang headset.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD