Nandito kami ngayon ng asawa kong si Hazler sa school event ng quadruplets,Family Day. Maya-maya ay susunod rito si Daddy; binisita niya pa ang puntod ni Mommy. Kitang-kita ang saya sa mga mata nila habang tumutulong sa pagde-decorate ng stage. Hindi ko mapigilang maluha dahil lumaki silang may takot sa Diyos, magalang, mabait, at responsable. Matulungin rin sila sa kapwa, lalo na sa mga gawaing bahay. They also do household chores. “Thank you, wife, for giving me a second chance. Hindi ko sana naranasan ang ganitong saya. I have precious children,” sabi ni Hazler habang kinuha ang kamay ko at hinalikan. Napangiti ako. “Kung hindi ka rin nagbago, hindi rin sana kita binigyan ng second chance! I know your sincerity, basta’t huwag mo nang ulitin iyon ah. Makuntento ka na lang sa akin.

