Ayaw talaga maniwala ni Lola Esme sa akin. Kailangan kong mapatunayan sa kanila na si Rico ang nakita ko. “What are you planning to do, Sea? Imposible kasi iyang sinasabi mo e kasi nandon ako no'ng namatay siya.” Saglit itong napaisip.. Hindi ako titigil hangga't hindi ko napapatunayan na si Rico iyong nakabangga ko. Kailangan kong matunton ang kinaroroonan niya. Malakas talaga ang kutob ko na si Rico iyon. “Asawa ko? Talaga bang siya yong nakita mo?” tanong ni Hazler sa akin. Ni-minsan ay hindi ako nagkamali. Alam kong si Rico iyon. “Hindi kaba naniniwala sa akin?” nakapout kong tanong, ngumiti siya. “It's not like that,asawa ko! Imposible kasi na buhay iyon. Dahil tatlong taon na siyang patay hindi ba?” “Paano kung hindi talaga siya namatay? Paano kung nabuhay siya?” sunod-sunod k

