Nung nagising ako ay inayos ko ang sarili ko maging ang ireregalo ko sa nobyo kong kwintas. Binili ko ito kanina sa mall at may pendant itong cross. Sobra sobra ang pasasalamat ko sa kanya. Naaalala ko pa lahat ng kwento nya sakin. Kaya naman kinuha ko ang aking cellphone at pinanood ang mga videos naming dalawa.
"Kung alam mo lang kung gano ako kasaya pag kasama kita Nathalie, You're the one who brings out the best in me. I would rather take the risk. Simula nung makuha ka nila Dada, bumalik yung sigla ko. Since nung bata pa tayo at naglalaro, I always find you cute. Until one day, nalaman ko na gusto ka nilang i-adopt, I beg mama and dada not to adopt you, because I want you to be my wife one day. So please, will you let me court you?"
"Yes Harvey."
Sabay yakap sa isa't-isa yan yung araw na nagsimulang manligaw si Harvey sa akin. He loves to capture our every moments together and he captures my heart. He loves to take stolen photos of me. I really appreciate him. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal na binibigay sakin ni Harvey. Pero sometimes may nararamdaman akong mali. Hindi ko alan kung bakit pero alam ko sa sarili ko na may mali. Siguro hindi ako satisfied sa pagmamahal na sinusukli ko sa kanya.
Nagsimula na akong gumayak. Pagkatapos kong maligo ay agad akong pumunta sa cabinet ko upang kumuka ng isang formal dress. Pinili ko ang kulay gray and bodycon dress. Long sleeves ito since madali akong ginawin. It perfectly fits on my body. I really love it. It's shows the curve of my body that makes me in love with myself. Hanggang sakong ito na may slit na hanggang tuhod. This dress also have glitters. Harvey gave this to me as his 2nd anniversary gift. This is my first time na gagamitin ko ito.
Nang maisuot ko na ang dress ay nag punta naman ako sa vanity mirror ko at nag-lagay ng make up. Light make up lang naman ang hilig ko. Lipstick, blush on, highlights, brows and eye liner. Saka ko pinasadahan ng tingin ang sarili ko. I find myself stunning. Hindi sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko, pero if no one find you beautiful, de ikaw nalang ang um-appreciate sa ganda mo. Simple as that. Dahil kuntento na ako sa suot at looks ko, sinoot ko na din ang paborito kong hills na bagay na bagay sa suot kong dress saka ako bumaba upang hanapin si Harvey.
"You're always Gorgeous love."
"Wag mo na akong bolahin, tara na?"
"Tara na I really know you'll like it."