"Hindi tanga ang taong nagmamahal ng sobra kahit nasasaktan na,
mas tanga yung minamahal mo na nga ng sobra naghahanap pa ng iba."
*******
Kari's POV
"Happy Birthday Nay!" sabay sabay na bati namin nila kuya. Wala naman kaming gaanong bisita kundi ilan lang sa mga kaibigan ni Nanay sa palengke na nirarasyunan niya ng ginagawa niyang tocino at longganisa.
"Oh, Nay, magwish po muna kayo bago niyo hipan yung kandila" sabi ni Kuya.
"Naku, kay tanda ko na eh, uso pa ba 'yon?" sabi ni Nanay, kaya naman nagkatawanan kaming lahat.
.
"Oo naman Nay, wala naman po s edad yan" sabi naman ng isa ko pang kuya.
"O siya sige, ang wish ko nalang ay good health para sa akin at sa mga anak at apo ko. Dahil wala naman na akong mahihiling pa, maayos naman na ang buhay niyo" at isa isa kaming tinignan ni Nanay.
"At dahil po sa inyo ni Tatay 'yon Nay, salamat po"sabi ko dito at niyakap ko ito.
"Naku ang bunso namin nagdadrama!" biro ni Kuya Nuj.
"Nay, hipan mo na, at itong apo mo ay masama na ang tingin diyan sa cake... hahaha!" biro naman ni Kuya Jonas habang karga ang pamangkin kong si Bree.
Kaya naman hinipan na ni Nanay yung kandila...
"Happy Birthday!" bati ng lahat.
Nagumpisa ng magkainan ang lahat, samantalang sila Kuya ay naginom na habang nagvivideo oke sa may gate.
"Beshy, bakit di pumasok si Ms. Flynn kahapon, pati nung Friday ? Nagusap kayo no? Hahaha!"
"Ha? Hindi siya pumasok ng 2 days?" pagkaklaro ko dito.
"Oo, hindi mo alam?"
"Hindi, wala naman siyang nabanggit na hindi siya papasok eh."
Hmmm... ano kaya nangyari dun?
"Ganun? bakit kaya? Teka, sabi mo diba invited siya ni Nanay ngayon?"
"Oo besh, nagpromise siya kay Nanay na pupunta siya ngayon."
"Yun naman pala eh, ask mo nalang mamaya bakit di siya nakapasok." sabi nito.
"Naku Beshy ayoko nga, baka kung ano pa isipin nun."
Tinaasan naman ako ng kilay nito. "Besh, wag masyadong defensive ha! Napapaghalataan! Hahaha!"
Sasabunutan ko na sana ito ng makita namin papasok si Nanay.... kasama si Bakulaw at may bitbit itong cake at mga paper bags. Malamang ay regalo niya ang mga ito kay Nanay.
"Ohhh... speaking of.. " bulong ni Besh.
Pagkakita ko dito ay parang ibang Flynn ang nakita ko....hindi isang Diyosang bakulaw...kundi haggard version ito..... Anyare!?
"Nak, narito si Flynn, asikasuhin mo at pakainin mo ha" sabi ni Nanay at nagpaalam na lalabas muna.
"Hi Ms. Flynn" bati ni Anne
Ngumiti naman ito, pero ngiting pilit... "Flynn nalang, we're not in the office anyway."
"Ay sige po" sabi naman ni Besh, "Beshy, pakainin mo na si Flynn, kanina mo pa inaantay diba?" at taas baba pa ang kilay nito.
"Really? You're waiting for me?" tanong naman ni Flynn at may nakakalokong ngiti pa ito.
Sinamaan ko lang ng tingin si Beshy na panay pa rin ang ngiti nito.
Naku ka! Mamaya ka sa akin bruha ka!
"Naku, naniniwala ka dyan, tara sa kitchen." aya ko nalang dito....
Inabutan ko ito ng plato ng nasa kitchen na kami kung saan nakahain sa dining table ang mga pagkain...
"Actually, I dont want to eat." sabi nito.
Ano daw? Tama ba yung narinig ko? Ayaw niyang kumain? Himala!
Kunot noong tumingin ako dito... "Seryoso?"
"Do i look like im joking? Busog pa ko, maybe later." seryosong sabi nito.
"O-okay, anything I can offer you? Water, juice , coffee or beer?"
"Hmmm... I guess a bottle of beer will do."
"Seryoso ka dyan?" tanong ko ulit dito at pinagkatitigan ito.
Sukat ba naman pitikin ako nito sa ilong. "Ouch ha!"
"Ang kulit mo kasi, magtatanong ka tapos kapag sinagot ka naman, di ka maniniwala. Tsk! Tara na nga sa labas at bgyan mo na ko ng maiinom." sabi nito at hinawakan ako sa aking kamay.
Wait... why do I have this feeling na she's not ok? I can see pain in her eyes.
"Flynn" tawag ko dito.
Huminto ito at tumingin sa akin.
"Are you..."
"Please dont ask.. " pakiusap nito at nagpatiuna ng lumabas
So tama nga ba ko, may problema ito?
Napabuntong hininga nalang ako at sumunod dito.
----
Flynn's POV
Dito ako pinaupo ni Kari sa pwesto kung saan nandun din ang mga kapatid niya at si Anne. Napagalaman ko rin na bunso pala ito at kaisa isang babae. Madaling makagaanan ng loob ang mga kuya nito, palibhasa ay mga palabiro at palakwento.
Nakakailang bote na ba ko? Pero bakit parang walang dating? Samantalangbitong mga kainuman ko ay oarang mga may tama na..... Ganito yata talaga kapag nasa kondisyon.. tsk!
Naupo si Kari sa bakanteng upuan sa gitna namin ni Anne.
"Oh, ano ka ngayon? 7 na oh, hindi na darating yun. Sabi ko naman sayo wag ka ng umasa...may babae nanaman yun" narinig kong sabi ni Anne.
"Besh!" awat nito kay Anne. "Yang boses mo baka marinig ka nila kuya.
"Malakas video oke, hindi yan." sabi naman ni Anne.
Napatingin naman bigla sa akin si Kari.
"Sige lang, kunwari wala akong naririnig." sabi ko sabay smirk.
Si Anne naman ay nagpipigil ng tawa.
"Tama si Anne, wag ka ng umasa, dahil kung pupunta yang mokong na boyfriend. mo, dapat kanina pa."
"Korek ka dyan Flynn." pagsangayon naman ni Anne.
"Pwede ba, wag kaying ano jan! , nagsabi siya na pupunta siya, kaya alam kong darating 'yon" sabi naman nito.
"Wanna bet?" tanong ko dito.
Sinamaan lang ako ng tingin nito.
"What? If you really trust your boyfriend, then magpustahan tayo." hamon ko dito.
"O-oohh, someone's in trouble" pangaasar pa ni Anne.
"Shut up Besh! Ok fine, what's the deal?"
"Hmmm... so you really trust him bigtime huh?!" pangaasar ko dito.
"Yes, kaya pupusta ako na darating siya.. Now, lets have a deal." punong puno ng kumpiyansang sabi nito.
"Ok, if manalo ako, you will be my slave for two weeks... you will stay in my unit, do all the household chores and anything that I will ask you to do."
"What?? Grabe naman yun, 2 weeks, tapos anything that you will ask me to do??" Gulat na sabi nito.
"Yes, but of course, yung pwede and possible lang naman, and with your permission pa rin naman." sabi ko dito.
"Yun naman pala Beshy eh.... eh Flynn, pano kapag si Beshy ang nanalo?"
"Hmmm... a trip for two to Singapore, para sa kanila ng loving boyfriend niya. All expenses paid plus pocket money."
"Wow! Just wow!" gulat na sabi ni Anne.
"Fine! Sige, its a deal."
"Ok we'll wait for him until 12 midnight."pagtatapos ko sa kasunduan namin.
"Pero teka, pano ang Nanay ko for two weeks? Wala siyang kasama dito."
"No worries, I'll ask Gina, my personal maid to stay here with Nanay for two weeks." and I smiled devilishly.
Tignan natin kung dumating 'yan mokong na 'yan...malakas ang loob ko dahil nakita ko sa i********: account ni Janiz na out of town sila ni Nico.
Madaya na kung madaya, pero this is the. only way to make her realized that, that Guy isn't worth trusting for.