Chapter 19

1005 Words
"May mga bagay na mali sa umpisa. Pero kung masaya ka, ituloy mo lang baka maging tama." Kari's POV Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng takot... no, hindi takot, more on pagkabahala ng makita ko si Flynn sa lobby ng condo. Tsk.. bakit kasi nagsinungaling pa ko. Dapat sinabi ko nalang talaga na magkikita kami ni Nico. Pagkaalis ni Nico ay pumasok na ako agad sa lobby para lapitan si Flynn. Matiim lang itong nakatingin sa akin.... "Aalis ka?" tanong ko dito... yun nalang kasi ang naisip kong itanong. "No, Im really waiting for you..tara akyat na tayo." at nagpatiuna na ito sa elevator.. Hanggang sa makapasok kami sa unit ay tahimik lang ito. "I supposed kumain ka na." sabi nito at naupo sa couch at nagcellphone. "Flynn.." "Hmm." Naupo ako sa same couch na inuupuan niya medyo malayo, pero enough space naman para magkarinigan kami. "Am... look.. ahm...ahmm... sorry if.." "It's ok." putol nito sa aking sasabihin, pero hindi ako nito tinitignan. "Ok.... pero.... basta sorry pa rin." "Why?" bahagya itong humarap at medyo lumapit sa akin. "Ha?" . "Bakit ka nagsosorry?" Bigla naman akong natigilan sa tanong nito.... bakit nga ba? Eh ano naman nga kung di ko sinabi sa kanya? hmmm....Pero feeling ko kailangan eh... "I dont know.... basta feeling ko kailangan kong magsorry, for not telling the truth." "Bakit nga ba?" humarap ito sa akin at bahagyang lumapit. Mas naalarma naman ako sa pangalawang tanong nito, bakit nga ba kailangan ko pang itago sa kanya yun totoo? Hindi ako makasagot, dahil kahit ako sa sarili ko,hindi ko alam bakit ko ginawa un. "Bakit di mo sinabi yung totoo?" tanong ulit nito. Gusto kong sagutin ito, at sabihin na baka magalit siya kapag nalaman niya na magkikita kami ni Nico...kaso ayoko naman, baka magmukha naman akong assumera ng taon....pero...nagbabase lang naman ako sa huling reaction niya nung di ako sinipot ni Nico. " Ah! Nevermind! " sabi nito at tumayo na.. Mababakas sa mukha nito ang pagkainis. "Wait! Flynn!" dala ng pagkabahala, pinigilan ko ito at bigla ko itong nahila sa knyang kamay, na out of balance ito at natumba sa mismong ibabaw ko. Sa halip na tumayo ito ay mas lalo pa niyang inilapit ang kanyang katawan sa akin, at pinakatitigan ako nito sa aking mga mata. Hindi ko alam pero labis labis ang kabog ng aking dibdib, hindi ko alam bakit sa halip na iwasan ko ang kanyang tingin ay nakipaglaban pa ko ng titigan dito. Bumaba ang tingin nito sa aking mga labi at unti unti nitong inilapit ang kanyang mukha. Jusko po! anong gagawin nitong bakulaw na to??? Sa sobrang kaba ko ay naipikit ko nalang ang aking mga mata... Narandaman kong kumilos ito...at buong akala ko ay tatayo na.. ngunit mas nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.... She started kissing me... sa cheeks, sa nose, then sa lips.. Hindi ako makakilos...gusto kong umiwas pero hindi ko magawa.. At hindi ko rin alam bakit tila may sariling isip ang aking mga labi at kusa nitong tinugon ang kanyang halik.. Gosh...parang nanghihina ang aking katawan sa kanyang ginagawa...she's damned a real good kisser, yun bang tipong mapapsunod ka nalang sa gusto niyang mangyari. Ibang iba ang halik na ito..... Ibang ibang kumpara sa mga halik na pinadama sa akin ni Nico. Oh yes! Si Nico..... mali...maling mali to...at bago pa kami may magawa na maari namin pagsisihan sa huli ay naglakas loob na akong itigil ito at umiwas. Narinig ko pa itong nagbuntong hininga, bago umalis sa aking ibabaw at naupo sa aking tabi. "Im sorry" sabi nito.... "I crossed the line." Bakit para akong nasaktan sa paghingi ng sorry nito.. "It wasn't just your fault...kasalanan ko rin, hindi kita pinigilan" sagot ko dito,ngunit hindi pa rin ako makatingin ng diretso. Saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa... Ano ba kasing pumasok sa kukote mo at nagpaubaya ka na, nagkiss back ka pa! nyeta ka talaga Karishma! "Are we good?" tanong nito. "Ha?...ah...oo naman, ikaw lang naman ang galit kanina eh." "I'm not mad, it's just im worried, kasi late na wala ka pa, then only to find out na nakipagdate ka lang pala sa mokong na yun...tsk!" naiiling pang sabi nito habang nakatitig nanaman sa akin. Ano ba Flynn, pagkatapos mo kong halikan..mga pinagsasasabi mo naman, tapos yang mga titig na yan pa eh! "Talaga? nagalala ka?" nangingiti kong tanong dito...dahil ang totoo kinikilig ako. Leche ka Karishma, itago mo yan kilig na yan! "Kinikilig ka naman, hahahaha!"pangaasar nito. Tinaasan ko lang ito ng kilay at inirapan... sabay tayo. Kailangan kong itago sa kanya ang totoong nararamdamn ko... "Hey! Where are you going?" tumayo din ito at lumapit sa akin. "Im tired Flynn, pahinga na tayo." at lumakad na ko papunta sa aking kwarto. "I'm still not yet eating...inantay kasi talaga kita." Bigla akong napahinto sa sinabi nito. Seriously?? Humarap ako dito... " Seryoso?" Tumango lang ito. "Weh?" "Oo nga! Pag nagkaulcer ako kasalanan mo at ipapagamot mo ko." parang batang sabi nito...at may pag irap pang nalalaman. Hindi ko maiwasan hindi mapangiti sa tinuran nito...habang lumilipas kasi ang araw, nakikita ko ang soft side nito...at ang pagiging childish. "What ? are you just going to stand there and smile like an idiot? Come on! Gutom na talaga ko." "Ok, ok..ano ba gusto mong kainin, magluluto ako." "Lets go out...di na kaya ng bituka ko maghintay." Bakulaw talaga! "Fine, pero magpapalit lang ako ng damit ha." "5mins." sagot nito. "5 mins.?"takang tanong ko dito. "Yes, im only giving you 5 mins. to change,or else baka pagsisihan mo."at ngumiti pa ito ng nakakaloko. Inirapan ko nalang ito at naglakad papunta sa room ko, narinig ko pa itong tumawa. "Kahit kailan talaga! Pasalamat ka at boss kita!" sigaw ko dito. "I know right! hahahaha!" Habang naghahanap ako ng damit ay bigla akong napaisip.. hmmm....dahil nga lang ba sa boss kita kaya napapasunod mo ko? Pero bakit tinugon ko yung halik mo?Bakit masaya pa ako sa ginawa kong yun? "Ah! s**t! Karishma umayos!" singhal ko sa sarili ko. ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD