DECEPTION ENTRY # 9 I opened my eyes slowly, ikinurap kurap ko iyon dahil nasisilaw ako sa liwanag ng ilaw na nasa kisame. N-Nasa ospital ako amoy pa lang, alam ko na. Iginala ko ang aking paningin sa paligid, hinahanap ng aking mga mata ang isang taong alam kong lubos ng nag aalala sa akin.. si Xander.. pero bigo akong makita siya. Xander.. Si Xander.. P-Parang sirang plakang nagpapaulit ulit sa aking isipan ang mga nangyari kanina.. ang mga narinig kong usapan ni Lean at ng doktorang iyon.. " Kung ganoon naman pala, bakit inalok mo siya ng kasal? Bakit kailangan isakripisyo mo ang kalayaa————- " Para iyon kay Jas, kay Xander at sa pamangkin ko. Chesca, nagsisimula pa lang ulit sila ng panibagong buhay. Ngayon pa lang bumabawi si Kuya sa pagkukulang niya

