DECEPTION ENTRY # 14

1682 Words

DECEPTION ENTRY # 14     Masakit..   Masakit na masakit..   Masakit pero wala akong dapat sisihin kundi ang aking sarili. Maling mali ang lahat ng mga pinaggagawa ko. Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya pero hindi iyon dahilan para saktan at sirain ko ang buhay ng lahat ng mga taong nakapaligid sa amin. Nabulag ako.. nabulag ako sa salitang pagmamahal.. at ang karma ko ay eto na.. n-nawala ang aking a-anak ng dahil sa aking katangahan.. kabaliwan.   Masakit..   Masakit na masakit..   Pakiramdam ko gusto ko na ring mamatay. Ilang buwan na lang, ilang buwan na lang at mahahawakan ko na sana ang aking anak, mayayakap at mahahalikan.. umiiyak na naihawak ko sa aking pipis na tiyan ang aking dalawang kamay. Paulit ulit kong hinaplos haplos iyon, ini-imagine kong  nandoon pa siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD