ANDREZA SMITH Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, sobrang sakit ng ulo na nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako iinom ulit, promise. Umupo ako sa kama nang dahan-dahan, nang hindi gumagawa ng anumang biglaang paggalaw at sa sandaling nagawa kong tumayo, isang alon ng mga alaala ang dumaan sa isip ko. Naalala ko lahat ng nangyari kahapon at napaupo ulit ako sa kama, nagsisisi agad. Diyos ko, ano bang nagawa ko? I put my hands on my face remembering everything, yung away namin sa club with Dylan, binuhat niya ako sa balikat niya, yung pagtatalo namin sa kotse at sa wakas ay kasama niya ako pauwi at hinatid ako sa kwarto. Dahil masyado akong nasa ilalim ng impluwensya ng alak, hinalikan ko ang lalaki. Jesus, what a shame! Buti na lang iisipin niya na wala akong maalala. Maing

