Ivan Smith Sa sandaling ma-admit si Mr. Gomes sa hospital ay hiniling niya na makipag-usap sa akin nang pribado at nahulaan ko na kung ano ang gusto niyang pag-usapan namin. Umupo ako sa isang armchair sa tabi ng kanyang kama at nagsimula siyang magsalita. “Ivan, pakiramdam ko wala na akong oras para mabuhay. Ngayon, mukhang tuluyan na akong igugupo ng sakit na ito. Dahil hindi tayo nakapag-usap noong nakaraan, ngayon natin kailangang mag-usap.” Nagsisimula siyang umubo, halatang nahihirapan sa paghinga habang hawak ang kanyang dibdib. “Huwag mong pagurin ang iyong sarili, Mr. Gomes, naniniwala akong alam ko na kung bakit gusto mong magkaroon ng ganitong pribadong pag-uusap sa akin. Pinaimbestigahan ko ang buhay ni Stela bago ko pumasok sa kanyang buhay kaya alam ko na ang lahat, at an

