Stela Gomes Matapos ipangako kay Tita Abigail na hinding-hindi ko sasabihin kahit kanino ang tungkol sa pag-uusapan namin ngayon, nagsimula na siyang makipag-usap sa akin. “Si Ivan, gaya ng sinabi ko, ay ibang-iba kumpara sa dati. He adored his father, they were inseparable and had a father-son relationship na kinaiinggitan ng marami naming kaibigan.” “Pero nagbago ang lahat dahil sa isang babaeng dumating sa buhay ng anak ko. Nahulog ang loob niya sa kanya at makalipas ang ilang buwan ay na-engaged sila. I confess that I never liked that woman. She was fake and I could see that in her, pero hindi nakinig sa akin si Ivan, nagseselos lang daw ako. Sana lang ay naprotektahan ko ang anak ko mula sa kabiguan niya sa babaeng ‘yon. “Isang araw ay pinuntahan niya ito para sorpresahin ito at p

