Chapter 2

2186 Words
Ilang araw kong pinagpupuyatan ang paggawa ng mga tula para kay Angel. Kailangan kong makagawa ng isang dosenang tula para sa kanya. Iyon ang mga ibibigay ko sa kanya sa nalalapit naming 1st year anniversary. Lagi kong ginugulo si ate Liza para lang ipakita ang mga nagawa ko nang tula. Si ate Liza kasi ang pinakamagaling gumawa ng mga tula sa aming magkakapatid. Sya ang pinakamakata. Magaling sya sa panitikan. Kaya gusto ko, na ang mga gagawin kong tula para kay Angel ay yung pinakaespesyal at galing talaga sa puso ko. "Ang galing mo nang gumawa ng tula Bro. Iba talaga kapag may inspirasyon!" Sabi ni Ate Liza sa akin. Hawak ko ang papel at nakangiti ako sa mga sinasabi nya. "Idadrawing ko muna yung napakaganda nyang mukha, tapos sa gilid ng drawing ko doon ko isusulat ang ang mga tula ko para sa kanya!" Sabi ko kay Ate Tumango tango ang ate ko sa akin. Parang namamangha sya sa mga sinabi ko. "Ayos yun Bro ha.. bale isang dosenang sketch din ng mukha nya ang gagawin mo?" Tanong nya sa akin. Ngumiti ako sa ate kong singkit. "Yup.. sobrang dali lang idrawing ang mukha ng mahal ko. Alam na alam ko na nga ang detalye ng mukha nya eh." Sabi ko. Marahang tinapik ni ate Liza ang likuran ko. Alam kong masayang masaya rin sya para sa akin. "Naku! Bro! Sana turuan mo si kuya Leighton kung paano maging loyal.. kung paano magmahal. Para maranasan nya din kung gaano kasarap magmahal!" Sabi pa ni ate. Napanguso ako sa mga sinabi ni ate. Si kuya Leighton? Wala nang pag-asa ang isang iyon. Para sa kanya ay laruan lang ang mga babae. Pampalipas oras nya lang. "Ate! Hindi na magbabago si Kuya! Mas maligaya sya kapag maraming babae ang nakapalibot sa kanya! Mas ikamamatay nya kung isang babae lang ang mamahalin nya." Sabi ko naman Agad akong binatukan ni Ate.. "Loko ka talaga! Kapatid natin yun!" Sabi ni ate. Umalingawngaw ang malalakas na halakhakan namin sa loob ng kwarto nya. Nakakatawa kasi talaga ang lahat ng mga iniisip ni ate Liza. Hindi na talaga magbabago si Kuya. Wala ng pag-asa. "Hoy!!! Magpatulog kayo! Gabing gabi na !!!" Sigaw ni Kuya Leighton na nasa kabilang kwarto lang. Speaking of the devil! Dinig na dinig kasi ang mga halakhakan namin ni ate Liza. Manipis na dingding lang kasi ang pagitan ng mga kwarto namin kaya ultimo paghinga ay naririnig na sa kabila. "Bumalik ka na sa kwarto mo! Baka sugurin tayo ng dragon!" Pabulong na sabi ni Ate Liza. Niyakap ko muna si ate bago ako umalis ng kwarto nya. "Thank you ate.. sa susunod na lang ulit. Love you!" Sabi ko. Niyakap din ako ni ate Liza ng mahigpit. At panay ang himas sa aking likuran. "Love you too bro.. goodnight!" Sabi nya Lagi ko talagang maasahan si ate Liza. Kahit gabing gabi na at antok na antok na rin sya ay hindi sya nagsasawang tulungan ako. Hindi sya nagagalit kahit iniistorbo ko lagi ang pagtulog nya. Kaya mahal na mahal ko ang ate ko na yan eh. Kinaumagahan.. Sobrang excited akong naghanda papasok sa eskwela. Samantalang ang kapatid kong maarte na laging kong kasabay ay sobrang bagal kumilos. Puro pagpapaganda ang inaatupag. "Mama! Nasaan na yung isang pares ng medyas ko??" Sigaw ng maarte kong kapatid Nakatingin ako sa salamin habang nagsusuklay ng aking buhok. Pinagmamasdan ko ang kapatid ko na iritable na sa kakahanap ng medyas nya. Nakakairita talaga ang kaartehan nya. "Oh. Eto oh naiwan mo sa kama mo!" Sabi ni mama sabay abot ng medyas nya. Maarteng inabot ni Kate ang medyas at napakaarteng hinawi nya ang kanyang buhok. Sinuot nya ang medyas na akala mo ay may photoshoot. Paliyad liyad pa sya! Apaka arte naman talaga. "Hoy! Bilisan mo naman! Napakabagal mo namang kumilos! Kala mo model ka jan! Para kang nagpipictorial!" Sabi ko Agad akong sinimangutan ng kapatid ko. "Kapag ako naging model gaya ni kuya, hinding hindi kita papansinin!" Sabi nya Napangisi ako sa kanya.. at nakakuha na naman ng aasarin. "Sa pangit mong yan?? Walang kukuhang model sayo! Pwede pala! Imodel mo yung pagkain ng baboy!" Pang aasar ko. Nakita ko ang galit na galit na mukha ng kapatid ko. Pinagsusuntok nya ako dahil sa sobrang inis nya. "Tama na yan! Magsipagpasok na kayo! Eto mga baon nyo oh!" Sabi ni Papa Edz sabay kuha ng pera sa bulsa nya. Nakaisang batok pa ang kapatid ko sa akin. Hindi na ako gumanti dahil ayaw naman nyang magpatalo. Pumasok na kami sa school. At gaya ng dati ay inaabangan ko sa labas ng school si Angel at sabay kaming papasok. Hinahatid sya ng ate nya papasok ng school. "Mauna ka na doon pangit! Aantayin ko pa si Angel!" Sabi ko sa kapatid ko "Mas pangit ka! Ewan ko ba kung bakit ka nagustuhan ni Ate Angel eh mas gwapo naman si Archie sayo!!!" Pang-aasar ng kapatid ko "Aba bastos ang bunganga mo ah! Pumasok ka na doon!!" Sigaw ko. Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi nya. Mas di hamak naman na gwapo ako sa Archie na yun! Napatingin tuloy ako sa salamin ng kotse na nakaparada sa gilid. Pero nakampante ako dahil mas gwapo talaga ako sa Archie na yun! Patingin tingin ako sa may kanto dahil inaabangan ko sila Angel. Pero malapit nang magsimula ang flag ceremony ay wala pa rin sila. Dati naman ay saglit ko lang silang hinihintay. Pero ngayon ay sobra yata silang nalate? Ano kaya ang nangyari sa mahal ko? Natraffic kaya? Pumasok na ako sa loob dahil baka ako naman ang mahuli sa klase. Hindi ako mapakali dahil absent nga ngayon ang mahal ko. Akala ko ay late lang sya. Pero hindi na sya nakapasok. Pagkatapos ng klase ay pinauna ko nang umuwe ang kapatid ko. Dadalaw ako kila Angel. Kakamustahin ko kung bakit hindi sya nakapasok. Nang magdoorbell ako sa kanilang bahay ay agad na bumungad sa akin si Ate Jenna nya. Pinagbuksan nya ako ng pinto. "Alam kong dadalaw ka. Pasensya na ha. Hindi na kita naitext. May sakit si Angel nilalagnat sya." Sabi ni Ate Sabi ko na nga at may sakit ang mahal ko. Hindi naman nya ugali ang umabsent sa school. "Good afternoon po Tito, Tita!" Pagbati ko sa mga magulang ni Angel nang madaanan ko sila sa may sala "Sige hijo, puntahan mo nga si Angel sa taas ayaw nyang kumain. Baka mapakain mo sya!" Sabi ng papa ni Angel "Oo nga Hijo! Pilitin mong kumain, hindi pa sya kumakain mula kanina!" Sabi ng mama nya Nginitian ko sila at tumango ako sa mga sinasabi nila. "Sige po.. susubukan ko po!" Sabi ko Agad na kaming pumunta ni Ate Jenna sa kwarto ni Angel. Naabutan namin sya na nakatalukbong ng kumot.. "Mahal..." sabi ko Agad na inalis ni Angel ang kumot na nakatakip sa kanyang mukha ng marinig nya ang boses ko. Nakita kong matamlay ang mga mata nya. Namumutla na rin ang mahal ko. Marahil ay dahil nga sa kanyang nararamdamang sakit. Unti unti kong nasilayan ang mga ngiti nya sa labi.. "Mahal.. ang tagal mo.." sabi nya Iniwanan na kami ni Ate Jenna. Umupo ako sa kanyang tabi at binigyan ko sya nga mahigpit na yakap. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nya. Mataas pa rin ang lagnat nya. "Sabi nila Tito hindi ka daw kumakain? Bakit naman? Halika kain na tayo! Ako ang magsusubo sayo. Lalo ka kasi magkakasakit kapag hindi ka kumain." Sabi ko Napakagat labi si Angel. Sa palagay ko ay wala talaga syang ganang kumain. Pero kailangan nyang kumain para lumakas sya. "Sige.. mahal kakain na ako. Basta subuan mo ako ha. Hindi ko kayang hawakan ang kutsara eh!" Sabi nya. "Oo naman! Yun lang pala eh!" Agad ko nang ipinakuha kay ate Jenna ang pagkain ni Angel. At gaya nga ng request nya at gusto ko rin naman ay ako ang nagsubo sa kanya. Nagkwento din ako ng mga nangyari sa school habang pinapakain ko sya. Walang patid ang ngiti ni Angel habang nakikinig sya sa akin. Kinuha ko ang isang basong tubig at marahan kong itinapat sa kanyang bibig. Ang sarap nyang alagaan at gaya ng pangako ko ay hindi ako magsasawang alagaan sya. Pinagbalat ko pa sya ng mansanas. Ayaw nya kasi ng balat kaya tinatanggal ko talaga ito para sa kanya. Masaya ako dahil sa wakas ay kumain na rin sya. Tuwang tuwa din ang mga magulang nya nang malaman na malakas nang kumain si Angel. Pagkatapos nyang kumain ay tumabi ako sa kanya. Niyakap ko sya habang hinihimas ko ang kanyang buhok.. "Mahal.. kantahan mo naman ako. Alam ko maganda ang boses mo.. ayaw mo lang ilabas yan eh.." mahinang sabi ni Angel. Napahilamos ako sa aking mukha dahil ang pagkanta ang isa sa pinaka ayaw kong talento. Sabi nga nila may maganda daw akong boses pero ayoko nang ilabas iyon. Pero dahil ang mahal ko naman ang nagrequest ay pagbibigyan ko sya.. "Sayo ko lang ipaparinig to ha!" Biro ko sa kanya. Napangiti sya sa sinabi ko. Niyakap ko pa sya ng mahigpit at nagsimula na akong kantahan sya. "You give me hope The strength to will to keep on No one else can make me feel this way And only you Can bring out all the best I can do I believe you turn the tide And me make feel real good inside It's your smile Your face your lips that I miss Those sweet little eyes that stare at me And make me stay I'm with you through all the way Cause it's you Who fills the emptiness in me It changes everything, you see When I know I've got you with me.." Marahan kong hinalikan sa noo si Angel. Nakatulog sya habang kinakantahan ko sya. Tumayo ako at inayos ang unan sa kanyang ulo. Kinumutan ko sya at marahan kong hinimas ang mga pisngi nya. Para talaga syang anghel habang natutulog.. Muli ko pang hinalikan ang kanyang mga noo. "Pagaling ka mahal!" Sabi ko. Umalis na ako at nagpaalam na kila ate Jenna at sa mga magulang nya. Lagi kong pinagdarasal na sana ay gumaling na sya. Namimiss ko na ang pagtambay namin sa may park at sabay naming panonoorin ang paglubog ng araw. Alam ko gagaling din ang mahal ko. Nang gumaling si Angel ay agad naman syang nakapasok sa school. Ang saya ko kasi nakabalik na ulit sya. Pero hindi na sya gaya dati. Lagi na lang syang nanghihina ngayon. Nahihilo. Kaya kapag tapos na ang klase namin ay umuuwe agad kami. Hinahatid ko agad sya sa kanilang bahay. "Sorry mahal ha! Babawi ako sayo promise kapag ayos na ang pakiramdam ko!" Sabi nya "Ayos lang mahal! Basta magpagaling ka ha! Lagi ka na lang nanamlay! Kumain ka ng marami ha! Lagot ka sa akin kapag hindi!" Biro ko "Opo mahal! Susundin ko ang mga sinabi mo!" Sabi pa nya. Masaya syang pumasok sa loob ng bahay nila. Lagi kong ipinagdarasal na sana ay maging maayos na ang lagay nya. Lagi kasi syang matamlay at sakitin ngayon. Pero dumating ang mga araw na isang linggong hindi nakapasok si Angel. Nang pinuntahan ko sya sa bahay nila ay wala silang lahat doon. Walang tao sa bahay nila. Tinatawagan ko ang cellphone ni Angel pero hindi sya sumasagot. Ganun din ang ginawa ko kay Ate Jenna pero hindi din sya sumasagot. Nag-aalala na ako! Hindi ko na alam ang nangyari sa mahal ko? Nasaan na ba sya ngayon? Nang biglang makareceive ako ng text mula kay Ate Jenna. Ate Jenna: Migz, dito kami ngayon sa St. Lucas Hospital. Puntahan mo kami dito ngayon. Nakaramdam ako ng kaba sa text ni Ate Jenna. Agad akong nagtungo sa ospital na sinasabi nya. Habang nasa biyahe ay hindi ko namalayan na may tumutulong mga luha na pala sa mga mata ko. Triple ang kaba ko habang papalapit ako sa ospital. Sana ay walang nangyari sa mahal ko. Hindi ko yata kakayanin kapag may nangyari sa kanya. Nanginginig na ang buo kong katawan at nanlalamig na rin ako. Pagdating ko sa ospital ay hinanap ko agad ang kwartong sinabi ni Ate Jenna. Pagpasok ko sa loob ay nasakasihan kong umiiyak sa tabi ni Angel si Ate Jenna at ang mga magulang nya. Pero bakit?? Anong nangyari? Ano ba ang sakit ng mahal ko? "Migz.. she was diagnosed with Acute myeloid Leukemia!" Bungad ni ate Jenna Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko iyon. Leukemia? Nakakatakot! Pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Lalong lumakas ang iyak ni Tita Carmen. Parang sumikip ang dibdib ko. Nilapitan ko ang natutulog na si Angel. Hinawakan ko ang mga kamay nya. Bulto bultong luha ang nailabas ko habang hawak ko ang kamay nya. Hinalikan ko ang mga kamay ng mahal ko. Bakit sya pa? Bakit ang mahal ko pa ang binigyan ng matinding karamdaman?? "Lalaban tayo mahal.. lalaban tayo!" Bulong ko sa kanya. Hindi ako susuko.. alam kong malalagpasan din namin ito.. alam kong kakayanin ng mahal ko ang sakit na ito. Basta kasama nya ako. Nandito lang ako sa tabi nya.. Lalabanan namin ang sakit nya!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD