Angela (Three years ago) "M-Magkita na lang tayo bukas. Mas mabuting personal kong sabihin sayo. Mahirap magpaliwanag dito sa telepono." Sabi ko kay Mico Kinakabahan man ako ay tinitibayan ko na lang ang aking loob. Karapatan nyang malaman ang lahat ng mga nakatakdang plano sa akin ng pamilya ko sa oras na mawala ang pinsan kong si Angel. Napahawak ako sa aking puso na labis na naapektuhan dahil sa mga pangyayaring ito sa buhay ko. Kinabukasan lang... Pagkatapos ng Biology subject namin ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Mico. My Loves: dito ako sa restaurant malapit sa school nyo. Walang gana nyang mensahe sa akin. Agad akong napatayo sa aking silya at sinukbit ang bag sa aking balikat. I really need to talk to him. "Saan ka pupunta Angela? Hindi ka ba sasabay sa

