Angela Pagkatapos ng tatlumpong araw na nakasama ko si Migz ay umuwe ako sa aming bahay bitbit ang masasayang alaala namin. Alam kong masakit ang muli naming paghihiwalay ngunit kailangan kong magpatuloy sa aking buhay. Ang sakit pa ring isipin na may ibang babae na ang magpapaligaya sa kanya. May ibang babae na ang nagmamay-ari ng puso nya. Pagpasok ko pa lang sa bahay ay nakaabang na si Mommy sa pintuan na tila nasasabik sa mga kwento ko. "Kumusta anak? Anong balita?" Tanong ni Mommy na sabik na sabik sa aking mga kwento. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Siguro ay planado ang lahat ng ito. Pinagkaisahan ako nila Mommy at Tita Aileen na gawin ang proyektong mural painting para makasama ko si Migz. Pero bigo pa rin naman sila dahil napatunayan lang talaga namin

