Angela Nanatili akong matatag sa kabila ng masakit na nangyari sa akin. Iniwan ako ng taong mahal ko dahil pagod na syang maghintay ng tamang pagkakataon para sa aming dalawa. Ipinagpatuloy ko ang ikot ng mundo. Ngunit nagkaroon ako ng matinding poot sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ba tatanggalin ang poot na ito dito sa puso ko. "Hello, Angela anak! Congratulations at naipatayo mo na ang art museum na gusto mo. Pasensya ka na anak at wala kami dyan ng daddy mo para masaksihan ang unang araw ng pagbubukas nito." Sabi ni Mommy Nang dahil sa pagtawag ni Mommy ay mas naramdaman ko ang pag-iisa. Mas nabalot ng matinding lungkot ang puso ko. Hindi naman ako maaaring magkwento sa kanya na wala na kami ni Mico, dahil ang alam nya ay matagal na kaming wala. "Okay lang Mhie, basta san

