Chapter 1

3499 Words
WARNING: PLEASE DO EXCUSE SOME EXTREME EMOTION AND LANGUAGE. THANK YOU! (2 Days before my death) "So gross! Wala na bang ipapangit 'to?! Like, yung basura talaga? Kung meron pa, pwede nang mag-impake at humanap ng trabaho", I flipped my hair while I'm sitting on my swivel chair. Habang nakayuko ang employee kong saksakan ng kacheapan. Inaaral ko ang mga latest manuscript at editing/layouts stories na hindi man nangalahati sa gusto kong mangyari. Puro bulok at walang dating, underated authors, plus cheap covers. Pati papel parang binili lang sa tabi-tabi. "M-Ma'am..." Her voice are shakey. "What?!" Napataas ang boses ko sa irita. "K-Kase po... Hindi po pumayag yung author na si Mrs. Gizon na sa'tin magpa-publish ng libro. Kaya po... Napag-isipan po namin ng team na tumanggap po muna ng newly authors sa maliit na amount" "Ah gano'n?! Nagdesisyon kayo nang hindi sinasabi sa'kin?! Kailan ka pa naging boss, huh?!" sarkastiko kong tanong. "Ma'am kase po alam po namin hindi kayo papayag-" "Bullshit! s**t ka! s**t yan team mo! s**t kayong lahat!" Sumisigaw na'ko sa office at wala akong pake kung marinig nila, dapat lang nila malaman na galit ako. Dahil sa katangahan nila! Nakayuko siya at pinaglalaruan niya ang kaniyang mga daliri. "S-Sorry po ma'am..." "Anong sabi mo?" Tumaas ang kilay ko pero nakakunot ang aking noo. "S-Sorry-" "You're fired!" Sigaw ko sakaniya sabay turo sa door. "P-Pero ma'am..." "Leave at my office, now! And get your f*****g papers na wala naman silbi!" Tinapon ko ang folder na binigay niya sa'kin kanina. Nakikita ko pa siyang umiiyak habang pinupulot ang folder at papel sa sahig pero hell I care! She's stupid. She deserves it. Umalis na siya at after minutes biglang pumasok si Ezrah with her bag on her arm. "Martha, ano na naman ba'to?" Napasapo pa siya sa kaniyang noo habang ako hinihingal dala ng galit at stress. Umupo ako na parang walang nangyari at binalewala ang sinabi niya. Lumapit siya sa table ko at napansin ko ang kaniyang matatalim na tingin, "Martha, ayan ka na naman". "What about me?" Lumingon ako sakaniya habang binubuksan ko ang aking laptop. She left a heavy sighed, "Nauubos na ang mga empleyado mo sa kakatanggal sakanila, martha". Her mood tone change into concerned one. "They deserve it, anyway. Hindi sila nababagay sa kompaniya ko". Kalmado ako habang nagtitipa. "Hayyy, martha. Instead na tanggalin mo sila, teach them. Ikaw ang boss nila but that doesn't mean gagawin mo silang alipin. Martha, they were your employees. They work for you, for your company. Maawa ka naman sakanila" "Tss, maawa? Sila hindi ba sila naaawa sa'kin? Yung mga sina-submit nila sa'kin, walang kwenta, Ezrah. Sa huli ano, ako ang mamomroblema?!" "Then guide them! They need you as their boss, may mga bagay na hindi pa nila alam so the thing you can do is to teach them, that's it. Martha, nababawasan ka na ng mga empleyado, ngayon pa na lumulubog ang kompaniya mo! Ngayon pa na kailangan mo sila!" "I don't need them, kaya kong patakbuhin ang kompaniya ko mag-isa" "Are you insane? Hindi na kompaniya ang tawag do'n, martha" "Whatever you want to call, I can handle this. So, stop meddling please?" "What?! Martha, hindi mo ba naiisip? Kaya lumulubog na ang publishing company mo dahil hindi ka umaasta bilang boss! Tapos ano bibigyan mo sila ng trabaho, then what?! Kapag hindi mo nagustuhan, tatanggalin mo na?! Martha? Magbago kana, please" Hindi ako kumibo at mas mariin ang pagtytype ko sa laptop. "Martha, I'm talking to you. You don't need to fired them, you need them and they-" "Can you stop being bossy here?" Lumingon ako sakaniya with my blank expression. "M-Martha? I'm not being bossy, I'm concerned! Nag-aalala ako sa'yo and your company and your employees as well! Alam mo bang kakapasok ko palang sa floor na'to, may mga nag-iiyakan na naman? Na naman, martha ah? Gosh!" Napasapo siya sa kaniyang noo. "Don't come back here kung ayaw mong nakakakita ng eksena rito. 'Wag mo'kong pinapangunahan" Umalis siya at nagbuga ako ng malalim na hininga. Tss. Tinuloy ko ang ginagawa ko and I crumpled the list of authors na balak magpa-publish sa'kin kompaniya. Walo? Walo lang? "Damn it!" Bulong ko. After hours, umalis na'ko sa building and there I realized how my life rotates in work. Gabi na at agad umuwi ang mga employees ko. How I ironic I let my time and self drown in work but the bad things is... There's no progression. My company is drowned. Fuckshit. Kumakain ako ngayon mag-isa sa isang restaurant. As usual, wala naman bago. I am used to being alone and I don't f*****g care. This is sick. Ang daming tao, grrr! Umusbong na naman sa'kin ang irita. Right, friday pala ngayon. I gritted my teeth to calm myself but God! I hate this! I should be in the VIP right now but unfortunately wala ng space dahil sa daming tao lalo na sa kakareserve. Upon my eating, I remember wala pa yung wine ko! Nagtaas ako ng kamay at halos abala ang ibang waiters at waitresses, damn! I bit my lower lip and I raised my right hand, again for the second f*****g time! "Yes ma'am?" Formal na bati ng waitress, pinagmasdan ko siya ulo at paa. Tss, I rolled my eyes. "My wine", tipid kong sagot habang kumakain. "What about it ma'am?" Nagtaas ako ng kilay sakaniya. What? I can't believe this girl! "Are you dumb?", nakakunot ang aking noo. "Excuse me ma'am, I'm sorry?" Halatang wala sa sarili. Tss. "I said my wine!" Napataas ang boses ko. "Obvious ba? Wala pang laman ang wine ko, ayos ka lang ba? You want me to call your manager so you can rest?!" Agaran naman umalis ang waitress at pumasok sa may pintuan somewhere. Naglagay siya ng bucket na may wine, "I-Is there something else you need, ma'am?" Nauutal pa. Napangiwi ako, "Pour it". I said while I'm eating. "P-Po?" Binaba ko nang padabog ang spoon and fork. Gosh, this girl is annoying! "Bobo ka ba sa ingles?!" Nagulat siya sa sinabi ko at halatang kinabahan. Whatever, dapat lang. Hindi biro ang napagdaanan ko sa araw na'to. "I wanna know how you get in here, you slut and i***t. Your job is just simply as what..." Pinagmasdan ko siya ulo hanggang paa, "you are. Cheap and disgusting woman who is too illiterate in some simple instructions" "T-Teka ho ma'am, ano po bang pinagsasabi niyo? Nakaka-insulto na po kayo" "Oh really? Are you insulted? Then, not my problem" I rolled my eyes at her. "Ma'am, pwede niyong husgahan ang trabaho ko pero wala kayong karapatan para husgahan ang pagkatao ko!" "Excuse me?!" I tapped the table, heavily. "How dare you talked back to me?! Hindi mo ba'ko kilala? Mas mataas ako sa'yo..." Sabay turo ko sakaniyang noo. "Ikaw, mababa ka lang! b***h!" "Ma'am, excuse me. Is there a problem?" Biglang may lumapit sa'min and here we go again, nasa'kin na naman ang atensyon ng lahat. Oh, nice! I hate this. "Stupid" bulong ko at padabog kong kinuha ang bag ko at nagmartsang umalis do'n. What the hell?! Araw-araw, palala ng pala ang buhay ko! Naka-ilan mura ako rito sa sasakyan. Pinaharurot ko ang aking sasakyan papalayo sa restaurant na'yon. Tsk! Everything were ruined! My day, my company, myself! Patuloy ang busina ko. Gabi na at marami pa rin ang mga sasakayan sa daan. Binuksan ko ang bintana ko. "f**k you!" Sigaw ko sa isang kulay pulang kotseng sumingit sa harapan ko. "Gago 'yon, ah! Ang bilis magpatakbo ng ulol" Bulong ko rito sa loob ng sasakyan. Nakakita ako ng yellow sign na nakasulat na Police. Kaya naman pala traffic, may aksidente. I gritted my teeth and played with my nails. "Ugh!" Napadaing ako sa sakit, nakita kong nasugat ang daliri ko dahil sa tensyon na meron ako ngayon. At last nakauwi rin, I dizzily take off my clothes and just throw it anywhere. Pagod na'ko and I have my maids anyway, it's their job. When I laid on my bed, here we go again. I can't sleep. My insomnia is giving me hard time, folk. I took my pills, for several times. "f*****g life" bulong ko habang nakatitig sa kisame. There's no way for me to live peacefully. Araw-araw magulo, laging miserable. "When will be this stop?" Bumulong ulit ako at hinintay kong makatulog ako. (1 day before my death) Sunrises, I woked up in a loud barking of a... Dog? Hell no, I don't have a dog! Binaon ko ang ulo ko sa ilalim ng unan but I keep on hearing the dog's bark and I harshly removed my comforter while I am marching downstairs. Bumaba ako at lumabas malapit sa may garden. There, I saw a dog. Madumi, payat, at mabahong aso. "What the hell is going on?!" Mabagal ang pagkakasabi ko sa bawat salita habang nakikita ko ang mga maids and even my bodyguards na pinapaliguan ang aso. Napalingon sila sa sigaw ko at agarang tumayo. Humilera sila at yumuko after nilang timali ang aso sa may puno. "Anong kabobohan 'to, huh? Bakit may aso rito?" Sigaw ko at nakasuot pa'ko ng silk robe. Nagtinginan muna sila, "M-Ma'am, kawawa po kase-" "Sa bahay ko hindi kayo naawa?!" "Ma'am, tahimik naman ho siya, tignan niyo po oh ang amo niya" ngumingiti pa siya habang lumilingon sa aso, tss mas naiirita lang ako. "May mga utak ba kayo? Alam niyo naman na ayaw ko ng aso diba? Wala naman silbi ang mga 'yan, magkakalat lang 'yan dito! Nag-iisip ba kayo?!" "S-Sorry po ma'am..." "Rid that f*****g dog" I crossed my arms. Nagtinginan lang sila at walang kumikilos, "What?! Kapag ako nag-alis niyan dito, all of you will be fired!" Sigaw ko at bigla nilang inalis ang tali ng aso. Tumalikod na'ko at aalis na sana nang... "Wala talagang puso" one of my maids, whispered. Dahan-dahan akong lumingon at matatalim ang mga tingin ko sakanila habang halata sakanilang mga mukha ang kaba at tensyon. "Sinong nagsabi no'n?" Kalmado pero bakas ang inis at diin. Nagtinginan na naman ang mga hangal. "Tinatanong ko sino?' Kalmado pa rin ako pero sa sarkastikong tono. "So, walang magsasalita? Walang aamin?" "Ma'am, a-ako po. Opo! A-Ako po talaga..." Yumuko siya. "Sorry po" "H-Hindi siya ma'am! Ako po talaga ang nagsabi no'n! Juls, ako 'yon ano ka ba. P-Patawad ho ma'am", sumingit ang isang maid ko sabay yuko. Humalakhak ako sakanila at lumingon sila sa'kin. "Ughhh, how sweet. Talagang mag-aagawan kayo, ano? Pero para hindi na kayo mag-away at mag-agawan. Kayo nalang dalawa" ngumiti ako sakanila. "Both. Of. You. Are. Fired!" Sumigaw ako at nagmartsa nang umalis. People are so ridiculous. Alam na nga nilang mali sila alam na nga nilang hindi pwede, ipipilit pa nila. Like, gano'n ba sila katanga? I'm here at my office, examining the latest entries sa mga books and authors. This is frustrating, hindi sumusulong like it was stuck! Stuck in nowhere! Nakaramdam ako ng gutom sa kalagitnaan ng trabaho, I remember hindi pa pala ako kumakain ng breakfast dahil agad akong umalis sa bahay. Paano ba naman kasi dahil sa asong 'yon, nasira ang umaga ko! "Ayah!" Sinisigaw ko ang pangalan ng secretary ko. Agad naman siyang pumasok, "Yes ma'am?" "Bring me hot coffee and a sansrival cake. Now!" "N-Noted ma'am" tumango siya at agaran nang lumabas. After a while, may dala na nga siyang kape at tingin konay cake dahil nakalagay sa maliit na box. "Ma'am, binili ko po 'to sa sikat na coffee shop, masasarap kase ang ginagawa nila. B-Bale, 360 po lahat", ngumiti siya. "Open it" habang nagtytype ako sa laptop. Binuksan niya na ang small box. Naglagay na siya sa platito at nilagay ang kape sa gilid ko. Ngunit nang nilingon ko ito, umusbong na naman ang galit ko. Napatingala ako sakaniya at eto na naman ang dismaya ko. "Sansrival ba'to? Kape ba'to?" Sarkastiko kong tanong. "Eh k-kase po ma'am-" ramdam ko na naman ang takot niya at taranta. "Kahit isa walang tama sa mga binili mo! Tinapay nga pero hindi naman sansrival! Ano 'to, mamon?! Tingin mo ba kumakain ako ne'to?! Kape nga hindi naman mainit, frappe?! Seriously? Umagang-umaga? Nag-iisip ka ba?!" "Kase po 'yan lang po nakayanan ng pera ko. Limang daan lang po pala nadala ko m-ma'am... N-Nakalimutan ko pong humingi ng pambili sa inyo at n-namasahe pa po ako" habang nakayuko pa siya at nilalaro ang mga daliri. "Edi hindi ko na problema 'yon! Sana bumalik ka! Gosh! Umagang-umaga, sakit ng ulo binigay mo sa'kin. Alam mo ba 'yon?!" Nakayuko naman siya at hiyang-hiya. Aba, dapat lang! Nag-expect ako na mapapagaan ng kape at cake ang loob ko pero mas nainis lang ang umaga ko "S-Sorry po ma'am..." Tumayo ako at inirapan ko siya. Bumaling ulit ako sakaniya,"Hindi ko babayaran 'yon, kasalanan mo. Stupid" tumalikod ako at ako na ang pumunta sa coffee shop. "My Ghad! My Ghad! My Ghad!" Bulong ko habang nagmamaneho ako. Nang nakarating na'ko sa coffee shop, ang daming tao! Nag-order na'ko ng sansrival at hot coffee. Ang ganda nga rito, ang dami naman tao. Tsk. "Welcome in Apung Goryo Coffee and Delicacies. What is your order ma'am?" "One hot coffee and a sansrival cake" order ko sa counter at buti nalang nakasingit ako. Tsk. Tumalikod na'ko upang umupo nang may tumama sa aking mainit na kape sa aking dibdib. Gosh! Natapunan ako ng mainit na kape! Grrrr! "What the f**k?!" Sigaw ko habang pinagmamasdan ko ang damit kong natapunan ng kape, oh gosh ang init!!!!!! "Omg, miss I'm so sorry!" Pinapunasan ng babae ang damit ko. She's wearing a corporate attire. "Sorry talaga. Hindi ko sinasadya, Miss" "Sorry?! Bullshit! Alam mong daanan 'to, tapos dinadala mo yang kape mo? Nag-iisip ka ba o wala kang isip?!" Habang tinuturo ko siya, alam kong nasa'min na ang atensyon ng lahat at may lumalapit ng crew pero hindi ko dapat 'to palilipasin! I won't let this slide! "Ma'am, magpalit ho muna kayo meron po kaming t-shirts pinakuha na po namin", sabi ng isang crew pero hindi ko 'yon pinansin at malalim ang tingin ko sa babaeng nakabunggo sakin na mukha pang palaban. This wicked witch! "Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko, 'wag kang mag-eeskandalo rito. Your class is too low, or maybe... A girl like you don't have a class", ngumisi siya at mas umusbong ang galit ko sa babaeng 'to. "Anong sabi mo?!" Sumugod ako at sinabunutan siya. Nagpipigil na ang mga ibang crew pero hindi ako nagpapa-awat. "L-Let me go, my hair you b***h!" Sigaw niya. "Ma'am tama na po 'yan", kabadong pigil ng crew. I don't care. Sa dami na nang naka-away ko hinding hindi ko 'to palilipasin! Kinuha ko ang kapeng hawak-hawak ng isang babae sa may gilid namin at binuhos ko 'yon sa babaeng mangkukulam na'to. "Ayan, quits na. Ikaw bobo ako walang class, happy?" Sarkastiko kong sagot. Biglang may dumating na pulis and for the 50th time around, mape-presinto na naman ako. "Eh kase 'yan, nagsorry na'ko't lahat lahat pinunasan ko pa nga ang damit niyan! Tsaka hindi ko sinasadya, Sir! Siya talaga ang nagsimula!" Turo sa'kin ng babaeng walang isip. Naka-upo lang ako at pinagkrus ko ang aking mga kamay while I'm sitting crossed legs. Nagtaas lang ako ng kilay sakaniya. "See? She's crazy!" Bintang pa niya. Oh nice. "Martha!" Sigaw ni Ezrah habang papasok sa police station. "Oh thank God" ngumiti ako sa babaeng kaharap ko at inirapan siya. "Martha, omg! Ano na naman ba'to?" Humarap siya sa police, "Sir, I've already talked to her lawyer. Siya nalang ang kakausap. Sorry" "Tss" pagsingit ko. "Ma'am, ang dami na niyang record dito. Puro away at gulo", nakita ko sa peripheral vision na humarap sa'kin ang police "Miss, kung ayaw mong makulong, iwasan mo na ang gulo at away" Pinilit pa'kong magsorry sa babae kahit ayaw ko dahil wala akong nagawa at gusto ko nalang makaalis do'n. Pero kahit na nagsorry ako sakaniya, I still hate her. 'Wag lang ulit magkrus ang landas namin baka hindi ko alam ano magawa ko sakaniya. Nang nakalabas na kami sa presinto humarap sa Ezrah sa'kin. "Martha, umuwi kana muna. You should rest. Ako na muna ang bahala sa trabaho mo" she said it so cold. Napatingin lang ako sakaniya at sumakay na siya sa kaniyang sasakyan. Nagbuga ako ng malalim na hininga at sumakay na rin ako. I drive silently. I feel tired. Why? Wala ka naman nagawang maayos ngayon, hindi man ako gano'n nakapagtrabaho. But... I feel so empty and pain. Umuwi nalang nga ako at nagkulong sa kwarto. Hindi ko alam kung naka-ilan alak na'ko but I guess this is what I need. Why? Why can't I remember those time na ayos ako? Na masaya ako? Like, there is something incomplete. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Sunday morning, walang trabaho ibig sabihin walang ganap. All of a sudden, I am starving. Hindi nga pala ako nakakain kagabi. I lazily went downstairs, walang mga maids na kalat kalat. Nasaan sila? Nang pumunta ako sa kusina para kumuha ng gatas, may naririnig akong bulong sa gilid. "Grabe, kawawa naman yung babae. Ohh tignan niyo, tignan niyo. Sasabunutan ata", one of my maid said. Pumunta ako sa mga nag-uusap and there I saw my maids circled together holding a phone. "Aba, palaban talaga si ma'am. Ang galing niya rito!" "Shhh, 'wag kang maingay baka marinig tayo ni ma'am" Kumunot ang noo ko at mas lumapit sakanila. Bigla kong inagaw ang cellphone na hawak nila at parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita. "M-Ma'am Martha..." A video of me fighting in a coffeeshop because I was been spilled a coffee on my cloth. Scandal. Bigla kong binitawan 'yon sa lamesa at dali-dali akong umakyat sa kwarto kahit na naririnig ko ang tawag ng mga maids sa'kin. Mga hagikgikan nila na para bang pinapahiwatig kung gaano sila kasaya sa nakikitang nagsasabong ang dalawang babae, mga mata nilang puno ng panghuhusga. Scandal. I hate scandals. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala 'ko. Dali-dali akong naligo at umalis. Ayokong magkulong, I feel so alone when I'm in my room. Gusto kong makarinig ng mga tumatawa at masasayang mukha. I drive fast and went to my favorite amusement park. Mga batang naglalaro, carousels, ferris wheel, drop tower and even bikings. Ngumiti ako and I feel satisfied a little bit. Sa aking paglalakad, nakakita ako ng isang batang babaeng umiiyak. I went to her and sitted beside her. "Hey, why are you crying?" Tanong ko. Humikbi lang siya at hindi sumasagot, "May I know why a beautiful litte girl is crying?" Hinawakan ko ang kaniyang likod at hinihimas ko ito. Lumingon siya sa'kin, "I-I think... I was lost. S-Sabi ni mama ko wait ko daw siya b-but... I've waited her too long" humihikbi siya. "Where did she go?" "S-Sabi po sa'kin ni mama, bibilhan niya na 'ko ng paborito kong laruan" patuloy siya sa paghikbi kaya inalo ko ang kaniyang ulo, "p-p-pero ang tagal niya. Ayaw niya 'kong isama kase raw madaming tao ro'n" sabay turo niya sa isang lugar. Lumingon nga 'ko ro'n at nakitang may mga taong nagkukumpulan, gusto ko man puntahan pero ayokong iwan ang batang mag-isa. "Then, should I accompany you here while you're waiting with your mama?" Ngumiti ako sakaniya. Tumango siya at ngumuso, mas napangiti ako sa bata. After 10 minutes, dumating na nga ang mama niya. "Anak! Halika na" "Mama!" Kinurot ang puso ko sa narinig. Bumaling ang babae sa'kin at binigay ang binili niya sakaniyang anak. Nanlaki ang mata ng babae nang nagtama ang aming tingin at kinagat niya ang kaniyang pang-ilalim na dila. "T-Thank you" she muttered at ngumiti ang babae sa'kin. Kumaway sa'kin papaalis ang batang babae kasama ang kaniyang mommy. Kumaway din ako sakaniya at tumalikod na. Ngunit sa aking kuryosidad, pumunta ako sa maraming tao na kanina'y nagkukumpulan sila, pero ngayon wala na. Parang... Walang nangyari. Nagsitaasan ang mga balahibo at nanginginig ako. There are times, I just wish that something will strike at fast. Like in a blink of an eye, you're going to do it. A loud sound, echoed the whole area. But I was too deaf to hear it. Para akong nabingi at biglang nanlabo ang buong paligid. Like, my world is falling apart. Sigaw ng tao na para bang natatakot sila. At one snap, I felt the pain on my chest. Isang bagay na pumasok sa aking dibdib at nang tignan ko ito, dugo ang lumalabas. "Oh my god! Tulong! Yung babae!" I was laying on the ground, blood covered my whole body. "Tumawag kayo ng ambulansya! 'Yong babae, tulong!" "Omg! Kawawa naman..." Mga sigaw ng tao, mga kamay nila ang naramdaman ko. Parang hindi ako bumagsak sa lupa. Like, someone is holding me. I closed my eyes, but all I see is darkness. Pinipilit kong buksan ang aking mata at hayaan nalamang tumitig sa langit. A place where no gun is existing. No wars. No hatreds. No guns. No knives. No sins. A peaceful place for a holy people... Only. I wish I was one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD