Chapter 10 : Fear No One

1580 Words
[Charm's POV] Ito namang kasama ko. Imbes na bitawan ako ay binulongan pa ako. Hinimas himas pa ang ulo ko na parang aso. Great! Smile queen. Wag mong ipahalatang affected ka. Ikaw ang magmumukhang talo. Hahaha. Kung ako sa'yo magpagawa ka na ng brief na may padlock or thumb print mo lang ang makakabukas. Get yourself ready for a bloody battle. Wafu kaya ng papa mo! Tiningnan lang niya ako at ngumiti ulit. Nakakaasar lalo kasi ang lapad ng ngiti ni Eyel. As if naman hinubaran siya ni Primo. I managed to show my smile noong papalapit na sila samin. Napatingin pa sakin si Primo at mukhang may gusting sabihin. Bumitaw na din ang organizer sakin dahil gumalaw na ako para alalayan din ang hindi makatayong higad nato. Pinaupo namin si Eyel sa upuan, akma namang lalapit si Primo para hawakan ang paa niya ng pinalo ko ito. Let me manange. Sabi ko at inumpisahan ng masahein ang paa ni Eyel. Dahan dahan ang ginagawa ko sa umpisa pero dala ng inis ay napapalakas na din ang pagdiin ko. Ganito ang napapala ng mga higad at malalandi, sabi ko sa sarili. Nilakasan ko ang bawat piga ko at pinapaikot ang mga paa niya. *Creek! Ouch! It hurts! Napasigaw na si Eyel ng lakasan ko ang hila sa paa niya. Kahit papano may alam naman ako sa PT kaya alam kong makakatulong sa kanya ang ginagawa ko. Kulang nalang magpaparty ako sa sobrang saya ko dito e dahil nasasakyan siya. Sarap baligagin lalo ng buto. Napatigil ako sa ginagawa ko at biglang napatingin kay Primo. Ang walanghiya! Nanlalaki ang mga mata ko habang nakaupo na sa sasakyan niya. He's looking at me straightly at mukhang wala ng balak magmaneho. Gusto ko siyang patayin this very instant. Pero iniisip ko ang sinabi sakin ng organizer namin na wag akong magpahalata. Ay bwisit! Ang hirap kayang magpigil ng emosyon. Ba't ba nagtataka ako eh alam ko namang maraming nagkakagusto sa kanya? Alam ko naman na playboy siya ah. Alam ko namang habulin ng mga babae ang taong ito. Siguro kung negosyo man siya, ang daming gustong mag invest sa kanya. Alam nilang big time e. Gusto kong magdabog pero hindi pwede. Gusto kong magwala pero heto ako nakatingin nalamang sa kanya. Charm? para akong binuhusan ng tubig ng tinawag niya ako sa pangalan ko. Para akong zombie. Namanhid ata ang buong pagkatao ko. Para akong lutang. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa mga mata niya. Para akong nanakawan ng mahahalagang gamit. Napapansin ko din na panay ang tingin niya sa akin tapos ngingiti na parang baliw. Magaayos muli siya ng sarili at babalik sa pagmamaneho. Minsan pa gagalaw siya sa kinauupuan at parang dahan dahan sinisiksik ang sarili malapit sakin. Kulang nalang nga bitawan niya na ang manibela. Nung hindi ako makatiis ay kinausap ko na din siya. You okay Primo? tinaasan ko siya ng kilay. One hand nalang kasi siya habang nagdridrive. And guess what, magkatabi na kami sa kinauupuan ko. Half nalang ang pagkakaupo niya sa driver's seat. I just wanna get close to you. Kumindat siya sa akin. Napanganga ako. Nanlaki pa ata ang mga mata ko. Totoo ngang gusto niyang lumapit sakin. For what reason? Dahil ba nakokonsesya siya sa ginawa niya kanina? Tingin pa rin siya ng tingin sa akin habang nakangiti. Ganun ang set up naming hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila. Parang siyang adik! Mauuna na sana akong bumaba ng kotse ng dali dali niya akong pinagbuksan ng pinto. I'm about to step para makababa na ng nilapit nito ang labi sa may tenga ko. I swear! Hindi na ako magiging mabait sa ibang mga babae. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko umakyat sa mukha lahat ng dugo ko sa katawan. Gosh Primo! Bakit mo ba ako pinapakilig! "Stay away? Get jealous or love me?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Naguluhan ako. Nakita kong suminghap si Primo at tumingala. Lumunok ako at tinitigan ang eyebrows niyang makakapal habang nakakunot noo siya. Isa lang ang masasabi ko, pa-fall talaga ang lalaking ito. Hmm. Pero how can I love him kung palagi naman akong natatamaan ng tanong niya? Yes, I do have three choices. To stay away from him, get jealous dahil sa babaeng yun or fall in love with him. Umiwas ako sa kanya ng mapansin kong bumaba ang titig nito papunta sakin. Tuluyan na akong bumaba sa kotse at dali daling pumasok sa bahay nila. Pakiramdam ko bahay ko kung mauna ako noh? Kapal ng mukha ko. Nasa may pinto palang ako ng may humarang sakin. Ang bilis talagang tumakbo ng lalaking 'to. "Move! Stay away from me." Sabi ko sabay talikod sa kanya. Ang sama! Babalik ako sa gate ng bahay nila? Nandun pa ang kotse niyang hindi naka park. Nandun din ang bodyguards na nakatayo sa may gate. Babalik na ba ako sa condo mag isa? Agaran naman ang pag hawak niya ng mahigpit sa braso ko para iharap ulit ako sa kanya. "Sinong nagsabing uuwi ka?" My heart skip a beat. "You'll stay with me here. Ayts?" May authority niyang sabi. Daig niya pa ang isang boss na nagsusungit sa empleyado niya. "Isang masamang titig pa. I'll kiss you." Hindi ko mapaliwanag ang kilig na nararamdaman ko, ibig sabihin nito hindi pa ako uuwi kasi naman pinaharap niya ako. Me and Primo in the same roof together with his family again. That's the declaration. Sinubukan kong ipakita sa kanyang naiinis pa rin ako. Ngumiti lang siya na para bang okay na ang lahat samin. Kinunot ko ang noo ko at tinaas ko ang kilay ko. Saksi ang lahat ng buildings at condong nakapalibot sa mansion nila sa kaganapang nangyayari sa amin ngayon. Pati ang mayayabong na puno may iba't ibang hugis at ang pine treeng akala mo ay nasa ibang bansa kami. Magsasalita pa sana ako ang may narinig kaming malakas na pagputok. "PRIMO!" Nanginig ang boses ko. Pumikit si Primo. Kitang kita ko ang sakit sa mukha niya. Tinakbo ko siya. Nabigla ako nang halos matumba siya akin. Wala na talaga siyang lakas. Nakita ko kung paano magpanic ang mga guards. Hinahanap nila kung san galing ang sniper shot na 'yun. Kung saang gusali nagtatago 'yong tao. Lumabas na din ang mga tao sa bahay nila. Galit na tumitig sakin ang dad ni Primo sabay sabing dadalhin namin siya sa hospital. -- "Primo! I miss you so much." I said but he gave me no answer. I just felt his heartbeat, nakita ko ding umiba ang rate nito sa machine. Wala akong nagawa kundi isubsob ang mukha ko sa pillow kung saan nakapatong ang kamay niya. Wala man lang reaction ang mga palad niya kahit dumadampi na ang luha ko dito. Yes, I'm crying dahil naghahalo ang galit at guilt ko. Galit ako sa step father ko for what happened and guilty ako dahil nadadamay pa si Primo sa gulo ng buhay ko. Ano nga bang role ko sa buhay niya? Wala naman di'ba. Nothing special. Wala man lang ako nacocontribute para sa kanya kaya wala din atang rason para magtagal pa ako. Hindi naman ata ako sumasama sa kanya dahil sa deal naming dalawa. Nasa buhay niya lang ako para magkaroon ito ng thrill, imbes na maging maganda at nakakagulo lang ako sa kanya. I think I have two choices. To cut my wrist using a knife or to kill myself for being a loser. Instead of falling for Primo. I have to let him go. Sabi nga nila the most painful part of falling in love is hurting the one you love. Kasinglala ito ng iceberg sa titanic. Nakakabuang. Nakakapanghina. Hindi mo kasi maisip kung paano ka kakapit sa kaligayahang pinapangarap mo. Nasa isang private room si Primo. Madaming baskets of fruits sa side table niya. Nakasout siya ng hospital gown at may machine sa tabi niya. He's with an oxygen mask at tulog na tulog siya. 2 days na siyang tulog. 2 days ko na ring hindi naririnig ang boses niya. Inayos ko ang sarili ko kasabay ang paunti unting pagkapit ko sa kamay niya. I gave it a small peck. "I don't know what happened Primo. Walang sinabi sakin ang mga magulang mo. Hindi ko alam kung bakit may machine sa katawan mo. At kung saan ka ba natamaan. Basta ang sabi sakin I should take good care of you dahil ako ang dahilan ng lahat ng ito. It's my fault Primo. I'm so sorry." Ang bobo ko ba? Waka kasi akong kaalam alam kung san siya natamaan. Hindi ko alam kung gaano ito kalala. Hindi na din kasi ako nagpangahas para siyasatin ang katawan ni Primo basta ang alam ko, dahil ito sa akin. Isa lang naman ang gusto ko ngayon. Ang maging okay siya. Magising na siya, matanggal ang mga machine na nakalagay sa katawan niya at makita ko siyang sumimangot ulit. Kahit pa habambuhay siyang sumimangot okay lang sakin. Kahit palagi siyang naiirita okay lang. Handa na din ako kung pag gising niya ay itataboy niya na ako at sasabihang lumayo. Handang handa ako sa kaparusahang matatanggap ko basta maging okay lang si Primo. Kung sakaling mawawala man ako sa tabi niya. Sisiguraduhin kong marunong na akong humawak ng baril. Ipagtatanggol ko na ang sarili ko maging si Primo. Dahil sa panahon ngayon hindi na uso ang mahihina. Women should be brave enough to equipt themselves with knowledge and guns. I should fear no one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD