Eksaktong tapos na maghain si Joymi ng agahan nang pumasok sa kusina si Franz. "Anong oras ka ng nakauwi kagabi?" kaswal na tanong ni Joymi nang makaupo at saka ito inabutan ng plato. "Inabot na nga kami ng alas dose, eh." "Hindi ka pa ba napapagod? Sa halos limang taon mo sa kompanyang iyan ay bilang lang sa kamay ang pag-uwi mo ng may araw pa. Maghanap ka na lang kaya ng ibang trabaho? Para naman kahit papaano ay magkaroon ka pa ng oras sa mga anak mo," sambit pa niya habang ipinagtitimpla ito ng kape. "Kaunting tiis na lang naman at malapit ng matapos ang mga kailangang ayusin. At saka hindi madaling maghanap ng trabaho. Kailangan mag tiyaga. Hindi rin naman ako lugi sa ibinabayad ng company." "Mahirap maghanap? Sa background mo at experience, sigurado akong madali kang matatanggap.

