Habang nasa sala kasama ang dalawang anak na naglalaro ay kanina pa palingon-lingon si Joymi sa may hagdan. Ala una na kasi ng hapon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumababa si Franz. Mukhang malala ang hang-over nito kaya hindi makabangon. Napailing na lamang tuloy siya. Kadalasan, kahit linggo ay maaga itong gumigising para magtrabaho sa bahay. Pero pwede naman palang magpahinga kung tutuusin. Kung sana kahit paminsan-minsan lang ay naglalaan ito ng oras para sa mga anak nila. "Mommy, bakit sleeping pa rin po si Daddy? Sick po ba siya?" maya-maya ay tanong ni Aeriya. Halatang-halata talagang makatatay ang anak dahil sa araw-araw na likha ng diyos ay parati nitong hinahanap-hanap ang ama. Sasagot na sana siya ng makarinig ng yabag. Sabay-sabay silang napalingon sa pupungas-pungas

