Chapter 72

1572 Words

Gustuhin man ni Joymi ang mag enjoy at makihalubilo sa mga katulad niyang fans ay hindi niya magawa dahil hindi pa rin maalis sa isip niya ang naging pag-uusap nila kanina ni Maxinne. "Okay ka lang ba?" tanong ni Troy nang mapansin na hindi niya naman ginagalaw ang pagkain. Nakatulala lang siya at nakatitig sa pinggan habang iniikot-ikot ang straw sa inumin niyang frappe. "Joy?" "Ha?" "Kanina ka pa walang imik diyan, ah. May problema ba?" "Wala naman. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko. Sorry, ha. Hindi mo rin tuloy ma-enjoy itong event dahil sa akin." "Wala iyon. Hmm... May problema ba kayo ni Sir Franz? Mukhang kanina pa kasi malalim ang iniisip mo, eh. At saka napansin ko rin na binilisan mong maglakad kanina nang dumaan tayo sa Audit Department." "Ha?" gulat na sambit ni Joymi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD