Gaya nga noong nakalipas na mga araw, Ang hindi pagkakaintindihan ng mag-asawa ay lumipas lang din ng hindi napag-uusapan. Dahil puro ang trabaho na lang ang pino-problema ni Franz, tila nawala na sa isip nito ang galit ni Joymi. Puro galit ng kanilang COO na lng ang iniintindi niya because he know that if this continues, ay maapektuhan ang promotion na gusto niya. Baka itangay na lang ng hangin ang idea na magiging Internal Auditor siya in the future. Joymi used to be a very understanding girlfriend kaya minsan ay nate-take for granted na lang siya ni Franz. Iniisip kasi nito na maiintindihan naman siguro ni Joymi kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya ngayon because of too much pressure. Habang abala si Joymi sa paglilinis at pag-aayos ng gamit sa may kwarto ay bahagya siyang natigi

