Ngayon ang unang beses na kinakailangang mag-overtime ni Joymi dahil kailangan na nilang ipasa ang monthly reports nila dahil magkakaroon ng performance meeting with the team leaders from different branches sa susunod na linggo. At syempre, kailangan ang income statement report for last month per branches para malaman kung sino ang outstanding at kung saang branch pa kailangan mag-focus for local store marketing. Iyon na kasi ang pinaka allowed backlog nila. Isang buwan. Pero kung tutuusin ay wala namang isang buwan dahil nasa kalagitnaan pa lang ng buwan ay ginagawa na nila ang report. "Sissy, okay ka lang ba?" tanong ni Mira ng mapansin na kanina pa mabibigat ang bawat paghinga niya habang nakaharap sa computer. "Ah... Oo, okay lang ako. Nasobrahan ko lang yata sa coffee kaya nagpapal

