Naunang umuwi si Joymi kaysa kay Franz ngayong araw. Nang nadaanan niya ito kaninang palabas na siya ng opisina ay masyado pa itong busy sa harapan ng computer nito. "Mommy!" sabay na sambit ng dalawa niyang anak. Pagbukas na pagbukas niya pa lamang ng pintuan ay agad ng sumalubong ang dalawa at yumakap. "Magandang gabi po, Ma'am Joy," bati naman ni Manang Erlinda ang yaya ng dalawang bata na kamag-anakan naman ni Kaira. "Magandang gabi rin po, Ate. Pwede na po kayong gumayak para po makauwi na kayo," nakangiting sambit niya naman dito. Mag-a-alas syete na rin kasi ng gabi. "Sige po, Ma'am. Salamat po," anito at saka sinumulang ayusin ang mga gamit. "Kamusta naman ang mga baby ko? Behave ba kayo today? Hindi niyo ba pinagod si yaya?" baling niya sa dalawang anak. Bahagya pa nga siyang

