"Babe...?"
Nagising na ako ng kinapa-kapa ako ni Mark. Dahan-dahan akong bumangon sa kama at bigla nalang akong nakaramdam ng pagkahilo. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakin pero ng malanghap ko ang ginisang ulam mula sa kapitbahay ay mas lalo akong nahilo at nasusuka. Mabilis akong bumaba sa kama, saka nagtungo sa banyo at doon ako nagduduwal.
"Babe what happen? Ok kalang ba?" Narinig kung sigaw ni Mark
Hindi na ako nakasagot sa tanong niya dahil nagdududa na ako na nagdadalantao. Sandali akong nag-isip kung kailan ang huli kung dalaw subalit naalala kung wala pala akong dalaw last month. "Gush!! I'm pregnant! " Ito nalang yung naisigaw ko.
"Babe tama bang narinig ko!?" Paniniguro ni Mark.
Dahan-dahan akong lumabas ng banyo sabay sabing..."YES!"
Agad lumapit si Mark sakin at ng mahawakan niya ako ay niyakap niya ako ng mahigpit saka siya sumigaw ng "Magiging Daddy na ako!!" Tunay nga niyang napakasaya sa nalaman na tila hindi maipaliwanag.
Nagsimula narin akong sumigaw sa subrang saya tulad niya pero bigla ko namang naisip na hindi pa panahon upang sumaya ako ng lubusan. Nariyan nanaman ang konsensya na pilit akong hinila pababa sa kung sino talaga ako.
Sa paglipas ng ilang ilang araw, mas naging positibo si Mark sa buhay samantalang ako naman ay patuloy na nakatago sa pagkatao ng kaibigan ko.
Isang malakas na katok ang narinig ko habang pinapanood si Mark na nagpa-tugtog ng piano. Tumayo ako sapag kakaupo sa couch at nagtungo sa may pintuan.
"H-Hi Jemarie..it's nice to see you again.."
Shocked!!!!!
"M-mayla?? N-nandito ka??"
"Yeah!! Hindi mo nalang ba ako yayakapin?"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya sapagka't tulala parin ako ng makita niya. "Akala ko ba nasa Korea ka.."
''Yes.. pero.. naghiwalay na kami ni Jerome..." Malungkot nitong sabi.
"And? Anung plano mo?" Agad kong tanong.
"Babalik na ako kay Mark." Mabilis naman niyang sagot.
Matapos kong marinig ang sagot niya ay tila umikot sandali ang mundo. "Ganun nalang ba yun para sayu Mayla?" Nakataas ang isa kung kilay ng muli siyang tanongin.
''Bakit? Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang bumalik ako kay Mark?"
"Pero bakit ngayon pa?? Bakit hindi noon? Bakit hinayaan mo pang mag-panggap pa ako bilang ikaw?!"
" My Gush Jemarie!!ang dami mong tanong!! Bakit ? Mahal mo naba siya?"
"Paano kung sabihin kung Oo?"
"Well... wala ka namang magawa dahil nakatago kalang sa pagkatao ko! At ngayong dumating na ang tunay na Mayla Berguin ay pwede ka ng umalis!"
"Hindi ako aalis!!" Matigas kung sabi sa kanya.
"Aalis kaba...o sasabihin ko kay Mark kung sino ka talaga! Kase alam ko namang hindi mo pa nasabi sa kanya eh! Dahil takot ka..!"
Sa pagkakataong ito ay hindi kona kilala si Mayla. Napakasama na niya at hindi narin niya ako kinilala pa bilang kaibigan. Wala akong magawa kundi ang magbalot nalang ng mga gamit saka sandaling pinagmasdan si Mark na nagpi-piano. Wala parin itong alam sa mga nangyayari at nanatiling inosente sa lahat. Umiiyak akong lumisan sa lugar na iyon.
Bumalik ako kung saan talaga ako nanggaling kasabay sa aking pagbabalik sa katauhan bilang Jemarie Cuevas at hindi na ang dating Mayla Berguin na puno ng pagpapanggap.
Sa aking pagbabalik ay nanatili parin ang magkahalong nararamdaman tulad ng takot para sa magiging anak ko na isisilang ko na walang ama, konsensya at pangungulila naman ang naramdaman ko para kay Mark. Labis na galit naman para kay Mayla dahil sa makasarili at mapanira nitong desisyon. Inisip ko narin na wala na akong kaibigan pa.
"Ano kayang ginagawa nila ngayon?" Tanong ko sa sarili habang hindi sila maiwasang isipin.
Namalayan ko nalang na umiiyak na pala ako.
"Siguro ito na yung kapalit sa panahong pumasok ako sa mundong hindi naman dapat sa akin." Saka ako napahagulgol ng iyak.
Nang mapakalma ko na ang sarili ay sinubukan kong paandarin ang TV upang doon nalang ibuhos ang atensyon upang maibsan ang nararamdaman.
Nang-agad itong umandar ay nakasentro ang palabas nito sa balita na siyang ikinagulat ko.
Ipinakita kase ang larawan ng lalaki at babae na walang iba kundi si Mayla.
Ayun sa balita, nadakip na nung isang araw ang lalaki na dating kinakasama ni Mayla na si Jerome Cuinca, samantalang si Mayla ay kadadakip lang dahil sa nahuli daw ang mga ito na may dalang drugs habang nasa byahe pauwi ng Pilipinas. Pareho daw'ng tumakas ang mga ito matapos i-check ang dalang mga bagahe sa customs na kung saan nakalagay ang mga drugs at pera.
Muntikan na akong mahulog sa couch na inuupuan ko dahil sa hindi ako makapaniwala at subrang gulat sa sinapit ni Mayla. "Gush!!!! Hindi ko na nga kilala si Mayla.." Naibulong ko nalang sa sarili.