bc

I HATE YOU , I LOVE YOU GXG ( Living Heries ) ONGOING

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
opposites attract
drama
mystery
like
intro-logo
Blurb

Ashley Gonzales Isang mag pag-mahal na anak at Kapatid gagawin ang lahat upang makaraos sa kahirapan ang pamilya nito. Ngunit sa Isang pangyayari nag bago ang buhay nito ng dumating ang nag-iisang George Thyra Zetian sa natatahimik niyang buhay. George Thyra Zetian hindi alam ng lahat kung bakit ayaw na ayaw nito ng ibang tao na may makakita ng mukha niya at alam kung sino siya. Dahil sa Isang napakaling dahilan. Ngunit ang plano na dapat iniingatan ay nasira dahil sa Isang pag-kakamali. To Be Continued.... This is GXG story. ( ONGOING )__BE AWARE OF MY GRAMMAR , PHRASES , SPELLING ETC . ENJOY READING HAVE A NICE DAY .

chap-preview
Free preview
IHYILY 1 (Living Heries)
SIMULA ____ Ashley Pov Hello I'm Ashley Gonzaga 20 years old . Ako ay sang Iskolar at 3rd year college na ako sa susunod na pasukan. Kumukuha ako ng Business Management sa Isanv sikat na University dito samin. Masaya ang pamilyang may-roon ako. Kahit anong material na bagay hindi mapapalitan ito. Ang nanay ko ay nag titinda ng kakanin at iba pa sa lugar namin . Ang tatay ko naman ay isang mag sasaka, minsan nag p-partime ito bilang isang construction worker . Kahit ganyan ang trabaho nila ay tinataguyod nila parin kaming magkakapatid at hindi ko ikinakahiya iyon. May tatlo akong kapatid na babae . Ang sumunod sakin ay nasa grade 12 na at malapit naring mag kolehiyo . Ang dalawa naman ay nasa second year high School. Masasabi kong wala na akong hahanapin pa bukod sa tulongan ang pamilya ko na makaahon sa kahirapan. Oo! masaya kami ,nakakain naman kami sa isang araw tatlong beses. Pero hindi rin maikaila na nahihirapan sina nanay at tatay sa pang araw-araw namin lalo na sa financial. Dalawang taon na lamang , ang sabi ko sa sarili ko. Matatapos na din ang paghihirap namin matutulongan ko na din si nanay at tatay . Gusto ko kasi nasa bahay na lang sila at nagpapahinga. Malapit ng magpasukan nang hindi namin inaasan na mangyari sa pamilya namin . Inatake sa puso si itay bago pa siya umbot nang hospital ay binawian na ito ng buhay. Parang nawalan ako ng lakas sa nangyari. Ang tatay ko wala na . Umiyak ako ng sobra at hindi alam ang gagawin . Nakita ko kung pano nahimatay si Inay at ang pag-iyak ng mga kapatid ko . Gusto ko man silang aluhin at yakapin ay hindi ko magawa .Para akong nakadikit sa pwesto ko at hindi ko maigalaw ang mga paa ko . Iyak lang ako ng Iyak hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagyakap ng mga kapatid ko sakin. Sobrang hirap at parang hindi ako makapaniwala . Masaya pakami kumakain at nag tatawanan sa apat na sulok ng bahay namin .Naging kapalit pala nito ang trahedyang hindi namin makakalimutan. Isang linggo , dalawang Linggo hanggang sa natapos na ang school year namin at Isang taon na lang matatapos nako sa pag-aaral . Aaminin ko hindi siya naging madali sakin. Nong namatay si tatay ay pinagsabay kona ang pagtratrabaho ko at pag-aaral ko . Pumasok ako ng call center malapit sa skwelahan na pinapasokan ko . Nag ka da utang-utang kami dahil sa pag kamatay ni tatay. Wala akong katulong kundi ang sarili ko lang. Buong mag hapon ako nag-aral at sa gabi naman ako pumapasok sa trabaho . Kaya kahit pagod na pagod ako sa araw-araw ay naging matatag ako para sa pamilya ko . Kahit pagkasyahin ko pa ang kinikita ko ay hindi talaga siya sapat . Hindi katulad noon na nagtatrabaho pa si inay kahit papaano nakakatulong siya sa pagbibigay ng baon ng mga kapatid ko at pangangailangan namin sa bahay . Ngayon kasi huminto na ito sa paglalako. Kahit pang ba.on sa skwelahan at pagbili ng pagkain namin ako na ang gumagawa . Hindi naman ako nag rereklamo kasi ako na lamang ang maasahan sa bahay namin ay dahil ako ang panganay. Ang dating masayahin naming nanay ay naging malungkotin ito . Laging nag mumukmok sa kwarto at bihira na lang lumalabas. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na nandito lang ako , nandito lang kaming mga anak niya. Pero hindi ko magawa. May mga time na gusto ko siyang katokin sa kwarto niya pero pinipili ko wag nang gawin alam kung magagalit siya sa akin . Gabi-Gabi walang mintis na hindi siya umiiyak. Hindi na siya yong dati naming nanay. Na mimiss kona ang aking nanay na sa tuwing uuwi ako ng bahay pag gabi na hinihintay pako sa labas at sesermonan. Na mimiss kona yong nanay kong gigisingin ako ng alas 3 am ng umaga para tulongan siya sa kanyang pagluluto ng kanyang ilalako. Nasatapat ako ng pinto niya ng bigla itong nag bukas. Gulogulo ang buhok at ang damit na sinuot pa niya nong isang araw ang soot pa niya hanggang ngayon . Mugto ang mga mata niya ang dating malusog nitong katawan ay naging payat. Gusto kong mag salita pero walang lumalabas sa bibig ko.Hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari. *PAK* Sinampal ako ni inay ng ikinagulat ko. " Nay ? bakit po " Isang nakakamatay na tingin ang pinakita niya sakin. " IKAW . IKAW. DAHIL SAYO NAWALA ANG ASAWA KO . DAHIL SAYO NAMATAY SIYA." Nabigla ako sasinabi ni inay sakin . Ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng asawa niya . Hindi ako nagsalita at hinintay ang susunod niyang sasabihin o gagawin. " IKAW NA LANG SANA ANG NAWALA . HINDI NA LANG SANA SIYA NAWALA HINDI SANA AKO NAGKAKAGANITO . MAS MATATANGAP KO PANG IKAW NA LANG NA WALA HINDI SIYA " Napakasakit marinig iyon sa bibig ng sarili mong Ina. Sa mga salitang hindi ko kaylan man na isip na sasabihin niya ito sa akin. Lumabas ang mga kapatid ko sa mga kwarto nila at umiiyak na nakatingin sa amin. Tumigil naman si Inay sa pag iyak at agad na pumasok sa loob ng kwarto niya uli. Gusto ko tuloy question ang sarili ko kung bakit ano ang ginawa ko para sabihin ni nanay iyon sa akin . Hindi naman ako naging masamang anak . Naramdaman ko naman ang pag mamahal nila sa akin hindi naman niya o ni itay pinaramdam sa akin na wala akong kwenta o ano panaman . Sinabihan ko ang mga kapatid ko na bumalik na sapagtulog nila at may pasok ba sila kinabukasan. Hindi ko na pigilang mapaiyak na lamang. Hindi ko tuloy ma iwasang isumbat ang lahat na nangyari ito sa diyos, alam kung mali pero wala na akong ibang pangsisihin kundi siya lang . Ano bang ginawa ng pamilya ko para bigyan niya kami nang-ganitong problema . Bakit kaylangan pa niyang kunin si Itay sa amin gayong okay naman ang pamilya namin. Wala naman kaming ka away o tinatapakang ibang tao . Hindi ko tuloy maiwasang sisihin din siya kung bakit nagkakaganito kami. Pero nang marealize kong mali ang ibunton sa diyos ang mga nangyayari sa buhay namin. Hindi kasalan ng diyos kung bakit kami naging ganito. Kapalaran na mismo ang nag takda sa amin at wala na kaming magagawa doon . Dapat na iyon tanggapin at ipagpatuloy ang buhay hanggat na bubuhay . Sana ma realize din iyon ni inay hindi lang siya namatayan kundi kami din,nawalan din kami ng ama na sobrang bait at magpagmahal . Hindi ko tuloy maisip kung bakit siya pa ang kinuha gayong madami namang mas masama sa mundo. Dumating ang araw,illonggo,taon at gumraduate na ako . Sobrang sayo ko dahil na tapos konadin ang tagal ko ng pinapangarap . Ito na ang pagkakataong matutulongan ko na sina inay at ang mga kapatid ko . "Mas masaya sana kung si nanay andito ate no " Ang sinabi sa akin ng kapatid kung si Alex . Si alex ay mag co-college na sa susunod na pasukan. Ang dalawa naman ay mag third year high school na. Tama kayo hindi nakadalo si nanay sa graduation ko . Sobrang sakit at paghihinayang . Na alala kopadati na siya mismo ang nagsabi sa akin na hindi siya pwedeng wala siya sa mismong graduation ko. Dahil yon ang pangarap niya sa akin na makapagtapos ako . " hayaan mona unawain na lang mona natin siya " Pero naunawaan ko naman kung bakit wala siya. Galit siya sa akin . Dahil may kaunti panaman akong pera ay inayaya ko ang mga kapatid kung bumili ng pagkain sa labas kahit pancit lang at tinapay okay na kami doon . Para lang may pagsaluhan kami at i-celebrate ang pagtatapos ko ng kolehiyo . Pagdating namin sa bahay at hindi namin inaasahan ang nangyari . Nakita namin na nakahandusay si nanay sa sahig . Agad akong huminge ng tulong sa mga kapitbahay namin at dinala siya agad sa hospital . "Jusko po tulongan niyo ang nanay namin wag niyo muna siyang kunin sa amin " Pagdadasal ko habang tinitignan si nanay . Pinaiwan ko kay alex ang pagbilin sa mga kapatid namin . Pagdating namin sa Ospital ay isinikaso agad siya ng mga nurse at doctor . Ilang oras sila sa loob hanggang sa lumabas na ang doctor kinakabahan ako sa pwede niyan sabihin. " Doc , kamusta po ang nanay ko? " " Shes okay now ijha , stable naman ang kalagayan niya but kilangan parin namin siyang kuhanan ng ibang test para masigurado tayo. Batay sa nakikita ko nawalan ng malay ang nanay mo ay dahil sa matinding gutom at kakulangan ng vitamina at stress may nangyari ba sa kanya o sa inyo bakit naging ganito siya? " " ahm doc kasi simula po kasi nang matay ang tatay namin naging malongkutin na po siya laging nagkukulong sa kwarto at hindi po nakakain ng maayos " Lagi namin siya hinahatiran ng pagkain sa labas ng pinto niya pero di niya ito kinakain man lang. Tumango naman siya sakin at binigay ang resita ng gamot paray kay nanay . Masasabi kong nagpapasalamat ako ay sa awa ng diyos hindi malala ang sakit ni nanay . Tinupi ko ang hawak kong papel at nilagay sa bulsa ko mamaya ko na lang ito bibilhin pag nakahanap na ako nang pera o kaya'y may ma utangan. Masyasong mahal ang mga gamot na kaylangan bilhin sa kanya. Umupo ako sa gilid ng higaan kung saan siya nakapwesto . Awang awa ako kay nanay , malayo na ang itsura niya sa ngayon kay sa sa noon . Nangangayat na ito at nangingitim ang ilalim ng mga mata niya . Nakayuko ako habang nag-iisip hinihintay ko paring magising si nanay hanggang sa di kona namalayang nakatulog na ako sa kama na hinihigaan niya . Naalimputangan ako ng may humawak sa ulo ko . Bumangon ako at kinukusotkusot ang mga mata ko para makita kung sino yon . Si nanay. " na-nay ? Kamosta po ang pakiramdam nyo ? may kaylangan ka po ba ? tatawag po ako ng doctor " hindi kona siya hinintay na makapasagot sa akin at agad na tinawag ang nurse ng una kung makita. Tinawag naman niya agad ang Doctor. Nagmamasid lang ako sa mga bawat galaw ng nurse at doctor sa pagche-check sa nanay ko at mga sinsabi nila ay nakikinig lang ako . Nakatulala lang si nanay at parang wala sa sarili. Mayamaya pay nag pa alam na ang doctor at sinsabing stable na ang kalagayan ni nanay at wala na daw akong ikabahala dito. Nilapitan ko uli si nanay at tumabi ako sa tabi niya . Nakatulala padin siya at hindi manlang ako tinaponan nang tingin. "Na-nay may gusto po ba kayong kainin? Bibili po ako sa labas " May kaunti panaman akong pera dito sa bulsa pero ang alam kung isang daan na lang ito. " tubig po nay baka nuuhaw na po kayo " kumuha ako ng tubig malapit sa akin at nilagay sa baso. Inilapit ko ito sa kanya tumingin siya sakin at nagiwas ng tingin . " umalis kana dito hindi kita kaylangan " nasaktan ako sa sinabi niya at nagkukunwari hindi ko ito naririnig . " inomin niyo po ito nay para po may laman kaunti ang sikmura mo " Nilapit ko ui sa kanya ,pero agad din naman nita inilayo ang mukha niya dito . " ang sabi ko umalis kana dito , alin badon ang hindi mo naiintindihan ? " masama ang tingin niya sakin. " nay naman " tinabig niya ang dala kong baso kaya naman natapon ito sa higaan niya . " nay naman makinig naman kayo sakin " " Ikaw ang makinig sakin bata ka , pagsinabi kong umalis kana dito umalis kana hindi kita kilangan . Ayaw kung makita yang pagmumukha mo naasiwa ako " Sa pangatlong pagkakataon nasaktan nanaman ako sa sinabi ni nanay . Kaya kung lunukin ang pride ko para sa kanya kahit anong mangyari nanay ko padin siya . Pagkatapos nang pangyayari iyon at hindi parin nag babago si nanay . Kung ano ang pinagbago niya sa pagkamatay ni tatay ay mas lumala ito ngayon . Mag Isang buwan palang nang makalabas siya sa hostpital at natoto na itong mag besyu marunong na itong uminom ng alak ay dati naman nong buhay pasi tatay hindi naman niya ginagawa . Hindi ko na alam ang aking gagawin para akong kandila na pa unti-unting nauupos. Nagka patong-patong na ang utang namin dahil sa pagkasakit ni nanay noon. Hindi na kasya ang kinikita ko sa pag tatrabaho sa Isang call center. Halos hindi narin ako nakapasok sa trabaho ay dahil sa pagbabantay sa ospital noon at ayaw ko namang ang mga kapatid ko ang gagawa non. Napapagalitan na ako nang aging manager sa trabaho ilang days na daw akong absent baka daw hindi na nila ako pagbibigyan at tatangalin na lamang ako . Nang may pagkakataon ay kinausap ko ito at sinabi ang dahilan na naunawaan naman daw nila ang nangyari sa akin . Pero wala siyang magagawa kapag ang head na daw ang mag didisesyon na tanggalin ako . Tumango na lamang ako dito. Naiintindihan ko naman. Wala na kaming kamag anak na matatakbuhan dito ay dahil nasa ibang lugar sila nakatira . Kaya kopasana pero dahil sabay sabay na ang pangangailangan sa bahay at sa pang-araw araw . Mag sisinungaling ako kapag sinabi kung kaya ko pa. Hindi kona kaya . Pero kapag naalala ko ang mga kapatid ko ay naaawa ako . Ayukong huminto sila sa pag-aaral dahil sa mga nangyayari sa pamilya namin. Gusto ko mang umalis at mag hanap nang trabaho sa maynila ay hindi naman ako makaalis ay dahil ayaw kung iasa sila kay nanay dahil alam kung di pa siya okay. Pero sinubok talaga kami ng tadhana . Na ospital ang bunso naming kapatid nasi Dana . Nag karoon ito ng sakit na dengue. Nanghihina na talaga ang tuhod ko at hindi kona mapigilang mapaiyak dahil sa sinapit ng kapatid ko . Naghintay pako ng ilang oras at ang oras ay naging Isang araw ay hindi man lang nakuhang sulyapin o tignan manlang ni nanay si Dana . Hindi dapat ako magtanim nang galit sa nanay ko pero hindi ko mapigilan. Pinagsamang galit at inis. Ayos lang sana kung sa akin siya galit ,Ayos lang sana kung ako nasa ospital . Matatangap kopa. Pero hindi ko maisikmura na parang inabandona na kami ni nanay at pabayaan kami ng mga anak niya. Minsan na lamang siya makauwi sa bahay . Hindi ko din alam kung saan siya nag pupunta at nalaman ko na lang nagkaroon napala ito nangkasinatahan sa kabilang bayan. Halos gusto ko siyang puntahan at sumbatan , pero hindi ko magawa . ____ Dalawang Linggo na nakaconfine si Dana sa Ospital at sa awa ng diyos ay naging maayos na naman ito nang pinagpasalamat ko . Dumating ang araw na nakalabas na kami ng hospital buti na lang nag ambag-ambag ang mga kapitbahay namin naikinagulat ko at si Kapitan para sa bill ni Dana. Laking pasalamat ko ay dahil tinulongan nila kami . Pag-uwi namin ng bahay ay nadatnan namin si nanay na kumakain sa mesa na mag-isa. Tumingin siya samin at balik uli sa pagkain ang atention niya . Haaay. Dinala ko muna si Dana sa kwarto niya para mag pahinga.Bumalik ako sa kwarto ko para magpalit nang damit. Paglabas ko nang kwarto na gulat pa ako ng makita si nanay . Pero umiwas ako sa kanya kaya lang nahawakan niya ako sa kamay. Tumingin ako dito nang tatanong. " pwe-pwede ba tayong mag usap ?" tumango ako dito kaya naman inayaya nakong umupo sa maliit naming sala. Katahimikan yan ang namumutawi sa apat na sulok ng aming bahay. " Anak " Nakayuko lang ako at hindi ako tumingin sa kanya. " a-alam kung galit kasakin , alam kung madami akong dapat na ipaliwanag sayo sa inyo " nakikinig lang ako sa mga sinasabi ko. Narinig ko ang paghikbi nito ng mahina. " Hindi totoong ikaw ang sinisisi ko sa pagkatamatay ng itay mo, na-nasabi ko lang yon ay dahil galit ako ,galit ako sa mundi, sa sarili ko. Galit ako kasi wala akong nagawa para alagaan kayo sa mga araw na kilangan niyo ako . Naging mahina ako anak . Masyado akong nag damdam sa pagkawala ng Itay niyo. Patawarin niyo ako " Gusto kong sabihin sa kanya na nuunawaan ko siya. Na hindi niya na kaylangan hingin pa ang kapatawaran ko na hindi niya kilangan humingi ng tawad. Pero hindi ito ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko mapigilan, nilabas ko lahat ang emosyon kong matagal ko nang kinikimkim. "Kung nahihirapan kayo , mas doble sakin. Hindi lang kayo ang namatayan , hindi lang kayo ang nawalan . Nawalan din kami nang tatay at maslalong nawalan din kami nang nanay. Sa mga panahon na kilangan ka namin na kilangan kita , nay. Sa mga panahon na kaylangan ko nang taong masasandalan ay wala kayo. Hirap na hirap ako sa lahat dahil ako lahat ang sumalo . *sob* Paano mo naasikmurang wag kaming alahanin , intindihin ? . Pero kahit isumbat ko sayo lahat , hindi parin naman mag babago ang mga nangyari. Pareho lang tayo apektado lahat dahil sa pagkawala ni tatay. Ang naiba lang lang ako lang yong lumalaban na dapat kasamo ko kayo. Gustong sumuko na nay pero sa tuwing inaala ko ang mga kapatid ko hindi ko magawa kundi maging patatag sa kanila." hindi kona napigilang maiyak dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko ang bigat bigat . " patawad anak kung naranasan mo man ito lahat pangako itatama ko na ang mali na aking nagawa sayo , sa inyo . Hayaan niyokong muli na maging nanay sa inyo" Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni nanay . Makalipas ang araw ay tinupad ni nanay ang pangako niya. Bumalik na ito uli ito sa paglalako at masasabi kung bumalik na nga ito sa dati. May pagkakataong nakatulala lang ito sa labas ng bahay habang nakaupo sa mahaba naming upuan na gawa sa kawayan. Kahit hindi sabihin ni nanay alam kong nasasaktan parin siya hanggang ngayon. Pinaramdam namin sa kanya na andito kami at hindi siya iiwan. Sa unang pagkakataon nakita namin siya ngumiti , ngiti na hindi man umabot sa mata niya pero alam namin at ramdam namin na mahal niya kami. ____UNEDITED_____ To Be Continued... NOTE : This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, All rights reserved, including the right to reproduce this book or portions thereof in any form whatsoever.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
354.1K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.6K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

BAYAW

read
81.8K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.6K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook