Chapter 21 - Sorry

1797 Words

NASA terasa ako ng mga oras ito habang nilalanghap ang hangin panggabi. Tahimik na ang buong kabahayan at ako na lang ang tanging gising sa mga sandaling ito. Gusto ko lang dalawin ng antok. Marami kasing bumabagag sa'kin. Kapagkuwa'y pinikit ko ang aking mata at huminga ng malalim. Bakit ba subrang sikip ng puso ko? Subrang bigat! "Can't sleep?" Nagulantang ako sa pananahimik ko nang marinig ko ang paos na boses ni Jayar sa'kin likuran. Nagdadalawang isip ako kung lilingunin ko siya o hindi. "Me too," aniya at narinig ko ang mga yabag na papalapit sa'kin direksyon. Bumuntunghinga ako at nagpasyang bumalik na sa'kin kwarto. Do'n na ako magpapadalaw ng antok. Hindi ko aakalaing pupunta rin pala siya rito. "Leaving?" Napatingin ako sa kanyang gawi. Nakadistansya sa'kin ng isang dipa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD