KANINA pa si Tyler sa loob ng operating room ng Adventist Hospital dito sa Palawan. Buti na lang at paglabas namin sa gubat na pinagtaguan namin ay saktong may dumaan na sasakyan kaya kaagad kaming dinala dito. Kanina pa din ako hindi makali at paikot-ikot lang ako sa may labas ng operating room. Mag-dadalawang oras na si Tyler mula ng ipasok sa loob pero hanggang ngayon ay wala pa din akong balita. Hindi ko maiwasang hindi magalit sa sarili ko. Napaka-tanga ko. Napaka-walang kwenta ko. Hindi ko pa nagawang protektahan si Tyler. Tinawag pa akong pulis kung hindi ko magawa ang tungkulin ko. Wala kang kwenta, Rocky. Wala.!
"Rocky?" Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. Kaagad akong lumapit dito at niyakap ito ng sobrang higpit.
"Eugene, salamat dumating ka." Si Eugene ang una kong tinawagan ng makarating kami dito sa hospital. Alam kong malapit lang din ang misyon niya sa may Palawan kaya alam kong mapupuntahan niya ako agad. "Tinawagan ko na din sina Daddy at Mommy at sinabi ko sakanila ang nangyari kay Tyler. Sabi ni Daddy siya na daw ang bahalang mag-report kay Gov." Napaupo ako sa sahig ng maalala ko ang itsura ni Tyler kanina ng isugod ko siya dito sa hospital. Nawalan ito ng malay at sabi ng Doctor ay naubusan ito ng dugo kaya kailangan pa itong salinan. Buti na lang at may available na blood type ni Tyler sa may blood bank ng hospital kaya kaagad na nasimulan ang operasyon. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sakaniya, Gene. Kung hindi dahil sakin, hindi siya mapapahamak."
"Ssshh. Kumalma ka, Rocky. Wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo ginusto ang nangyari. Walang mangyayaring hindi maganda sakaniya, ok? Lakasan mo lang ang loob mo." Pagpapakalma nito sakin. Tinayo ako nito at inupo sa bakanteng upuan na malapit sa operating room. Inabutan ako nito ng mineral water para daw kumalma ako kahit papano. Sana nga lang ay makatulong ito sakin.
Ilang oras na kaming nagaantay sa labas ni Eugene pero hindi pa din lumalabas ang Doctor, maging si Tyler. Mas lalo akong kinakabahan habang patagal ng patagal ang oras. Mas lalong dinadamba ng takot ang dibdib ko.
Napatayo kami agad ni Eugene ng biglang dumating ang mga magulang ni Tyler kasama ang Daddy ko. "Gov, Ma'am." Bati ko agad sa mga ito. Laking gulat ko ng isang malakas na sampal ang isinagot sakin ng Mommy ni Tyler.
"Wala kang kwentang body guard. Iyan na nga ba ang sinasabi ko, Mr. Mariano. Kaya una pa lang ay tutol na ako na siya ang inatasan mong mag-protekta sa anak ko. Alam kong hindi niya magagawa ang misyon niya. Hinayaan mong mapahamak ang nagiisa kong anak. Hindi mo nagawang ilayo sa kapahamakan ang anak ko. Ipagdasal mong buhay na lalabas ang anak ko mula sa kwartong iyan kung hindi, hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin sayo." Matapang na sabi nito sakin.
"Honey, tumigil ka na. Walang kasalanan si PO2 Mariano sa nangyari kay Tyler." Pagpipigil ni Gov sa asawa nito ng akmang sasampalin na naman ako.
"She deserves my slap. She deserves this. She failed to protect my son." Buong tapang na sabi pa nito.
Yeah. Tama lang lahat ng sinabi niya. I deserved it. Ang sampal, ang masasakit na salitang binitawan nito ay nararapat lang para sakin. Wala naman talaga akong kwenta e. Si Tyler na nga lang ang poprotektahan ko, hindi ko pa magawa ng tama. Wala talaga akong kwenta. Wala akong kwentang pulis. Wala akong kwentang tao.
"Pasensya ka na, iha." Paghingi ng paumanhin ni Gov pero kita ko din sa mga mata niya ang labis na pagkadismaya dahil sa ginawa ko. Hinila nito ang asawa nito na masama pa din ang tingin sakin palapit sa pintuan ng operating room. Napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan.
"Denise, halika. Mag-usap tayo." Seryosong sabi ni Daddy at naglakad ito palayo. Tumingin ako kay Eugene at tumango lang ito sakin. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang kay Daddy.
Tumigil ito sa may hallway na medyo malapit sa may operating room. Nakatalikod ito habang nakatingin sa labas ng ospital.
"Once na ok na si Tyler, si Eugene na muna ang mag-babantay sakaniya. Iniaalis na kita sa misyong ito, PO2 Mariano."
"No, dad. Kailangan kong tapusin ang misyon na ito. Kailangan kong maikulong ang mga businessmen sa likod ng mga death threats na natatanggap ng pamilya Allegre. Kailangan kong protektahan si Tyler. Kailangan kong maghiganti sa mga nanakit sakaniya at sa pamilya niya." Wala na akong pakialam kung mag-muka akong desperada sa muka ni Daddy. Basta, hindi ako papayag na hindi tapusin ang misyon kong 'to. Hindi ako papayag na mapapalayo si Tyler sakin. Hindi ko hahayaang mawala si Tyler sakin.
"Iyan lang ba ang rason mo? O dahil sa kahibangan mo sa nagiisang anak ni Gov?" Natigilan ako dahil sa sinabi ni Daddy. Nilingon ako nito at seryosong tinignan. "Hindi ako tanga, Rocky. Alam ko kung anong nararamdaman mo para sa lalaking 'yon. Napagsabihan na kita sa huling paguusap natin na itigil mo ang kahibangang iyan. Pero hindi ka nakinig sakin. Kung alam ko lang na magkakaganito kang muli ay hindi na kita initaas sa misyong ito. Nakikiusap ako sayo, anak. Stop loving that man. Hindi siya nararapat para sayo. Hindi kayo ang nababagay para sa isa't isa."
"Yes, Dad. Tama po kayo. Mahal ko po si Tyler. Mahal na mahal ko na po ang lalaking pinababantayan niyo sakin. At oo, kung sa una palang ay hindi niyo na binigay sakin ang misyong ito, hindi sana kami aabot pa sa ganito. But, it's too late, Dad. Mahal ko na si Tyler at ayaw kong mapalayo pa sakaniya." For the first time in my life, ngayon lang ako naging ganitong katapang sa harap ng Daddy ko. Ngayon lang ako sumuway sa lahat ng gusto niya.
Never in my life na nagawa kong hindi sumunod sakaniya. Dahil sa paghahangad ko ng approval niya sa lahat ng gagawin ko ay lagi ko siyang sinusunod. Kung anong sabihin niya ay siyang ginagawa ko. Tulad lang nito, una pa lang ay ayaw ko ng maging body guard ng anak ni Gov, pero dahil gusto kong maging masaya si Daddy ay sinunod ko siya. But this time, hindi ko sya kayang sundi pa. Ngayon lang, kahit ngayon lang.
"Well, excuse me po Chief. Baka inaantay na po ako ni Tyler. Maiwan ko na po kayo." Madami pang sinabi si Daddy pero hindi ko na iyon pinakinggan pa. Kabastusan man tong ginawa ko pero wala akong choice. Hindi ko kayang iwan si Tyler. Magkasama kaming haharapin itong pagsubok na ito. Dahil kahit anong gawin ko, parte na ako ng buhay ni Tyler at damay na ako sa gulo ng pamilya nila. Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad palayo sakaniya. Sorry, Daddy pero hindi ko po kayang gawin ang gusto niyo. Sana po ay mapatawad niyo pa po ako.
---
LUMABAS muna ako sa hospital para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko pa kayang makaharap muli ang parents ni Tyler dahil sa sobrang kahihiyan. I failed to protect their son. Hinayaan kong may mangyaring masama sakaniya. Sana ako na lang ulit yung nabaril at hindi siya. Sana ako na lang ang nasa bingit ng kamatayan ngayon at hindi si Tyler.
Natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko. Bumilis ang t***k ng puso ko ng mabasa ang text message ni Eugene.
"Successful ang operation ni Tyler." Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi nito.
Dali-dali akong pumasok sa loob ng hospital para puntahan agad si Tyler. Gusto ko pag-mulat ng mga mata niya ay muka ko agad ang makita niya. Gusto ko ay nasa tabi niya ako habang nagpapagaling siya. Gusto ko ay kasama niya ako. Tsaka ko na lamang iintindihin ang Mommy ni Tyler. Mas dapat kong unahin si Tyler bago ang lahat.
Hinihingal pa ako ng makarating ako ng 4th floor kung saan daw inilipat si Tyler sabi ni Eugene. Nagpaalam na din si Eugene na babalik na sa station kung saan siya pansamantalang naka-assign. Hinanap ko agad ang room number ni Tyler. Nakita kong kakapasok lang ng Doctor na nagopera kay Tyler sa loob kaya hindi muna ako pumasok sa loob.
I waited outside dahil nakakahiya naman sa parents ni Tyler kung pati ako ay nandon. Isa pa, nahihiya pa din ako sa parents nito lalong lalo na sa Mommy ni Tyler. Wala na akong mukang maihaharap pa sakaniya.
Ilang minuto pa ay lumabas na din ang Doctor kasama ang Mommy ni Tyler. Hindi ako nito napansin dahil mataman itong nakikinig sa mga bilin ng Doctor. Pumasok ako agad sa loob at tanging si Gov lang ang naiwan dito.
"Ok lang po ba kung dito po muna ako?, Gov" Paghingi ko ng pahintulot dito. Tumango lang ito pero hindi ito nagsalita. Alam kong galit din ang Daddy ni Tyler sakin at wala naman akong magagawa don. Gaya nga ng sabi ko, deserved ko naman lahat ng galit nila.
Pagkalabas ni Gov ay kaagad akong lumapit sa tabi ni Tyler. "Tyler, babe. Gumising ka na." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nito at hinalikan ito sa noo. "I'm sorry if hindi ko nagawang protektahan ka. Patawarin mo ko, Tyler. Kaya please, gumising ka na. Hindi ko kayang makita kang ganito." Hindi ko na mapigilang mapaiyak na naman.
Hindi ko kayang makita si Tyler sa ganitong sitwasyon. Gusto ko ang Tyler na mayabang, na bad boy na puro kabastusan ang lumabas sa bibig. "Please, magpagaling ka agad. Miss na kita agad, Tyler." Sobra.
Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na nakahawak lang sa kamay habang nakatitig sa maamo nitong muka ng biglang pumasok ang parents ni Tyler. Walang emosyon ang muka ng Mommy ni Tyler ng makita ako pero hindi naman ako nito pinaalis.
"Bukas ay iuuwi na namin si Tyler sa Manila para doon ipagpatuloy ang paggaling niya. Nakikiusap ako sayo, wag ka ng magpapakita pa sa anak ko after nito. Tapos na ang misyon mo sa pamilya namin kaya sana lang ay lumayo ka na sa buhay ng anak ko. After this, ay wala na tayong kahit anong ugnayan pa." Sunod-sunod na sabi nito sakin. Gustuhin ko mang sumagot at tumutol sa mga sinabi niya pero hindi ko na ginawa. Ayoko pang lalong madagdagan ang sama ng loob niya sakin. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagkakaganito at sana lang ay mapatawad niya pa ako.
Buong gabi ay hindi kami naguusap ng Mommy ni Tyler. Umalis muna si Gov kasama ang mga body guards nito para asikasuhin ang paglipat ni Tyler sa ospital sa Maynila kaya tanging kami na lang ng Mommy ni Tyler ang magkasama sa kwarto. At simula kanina ay hindi ako nito pinapansin. Mabuti na din 'yon kaysa naman paalisin niya ako dito.
Mag-aanim na oras na din simula ng matapos ang operasyon ni Tyler pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagigising. Pero sabi naman ng Doctor ay successful ang operasyon nito at natanggal ang bala sa katawan nito.
"Ilang taon na kaming mag-asawa ni Arden pero hindi pa kami binibiyaan ng anak." Nagulat ako ng biglang magsalita ang Mommy ni Tyler. Nakahiga ito sa sofa bed sa gilid ng kwartong inookyupa ni Tyler. "We tried and tried para lang bigyan kami ng anak but we failed many times. Muntik na kaming sumuko after so many attempts. And then, Tyler came. Milagro na lang daw na nabuntis ako kay Tyler. Kaya ganon na lamang ang pagmamahal at pagprotekta na binibigay namin sa nagiisa naming anak." Nakikinig lang ako sa kinukwento ni Mrs. Allegre. Hindi ko alam kung bakit niya ito kinukwento sakin. Hindi kaya dahil napatawad na niya ako? O gusto niya lang ipamuka sakin na Tyler is her precious jewel na dapat ingatan ng sobra sobra.
"Alam kong hindi mo gusto ang nangyari kay Tyler but as his Mom, hindi ko maiwasang hindi magalit sayo. Pinagkatiwala ko ang buhay ni Tyler sayo sa pagaakala na mapoprotektahan mo ang buhay ng anak, pero nagkamali ako. Kaya mas lalo akong nagagalit lalo na sa sarili ko."
"Ma'am, I'm sorry." Nilakasan ko na ang loob ko. "Hindi ko po gustong may mangyaring masama kay Tyler. Handa ko pong ibuwis ang buhay ko para lang protektahan siya. At tulad niyo po ay nagagalit din po ako sa sarili ko dahil hindi ko po iyon nagawa."
Hindi na ito nagsalita pa kaya muling natahimik ang buong kwarto. Nagulat na lang kami ng biglang tumunog ang machine na nakakonekta kay Tyler. Nag-se-seizure din si Tyler. Dali-dali akong lumabas ng kwarto sa sobrang pagkataranta. "Nurse, tulungan niyo kami. Si Tyler, please. Puntahan nyo siya." Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. Wala na akong pakialam kung pagtingin ako ng mga tao.
Nagtakbuhan naman ang mga nurse sa room na inookyupa ni Tyler. Maging ang Mommy ni Tyler na nasa tabi nito ay wala ding tigil sa pagiyak. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Wala na din akong ibang makita dahil sa mga luha sa mga mata ko. Basta alam ko lang ay nagkakagulo sila.
"Tyler, please. Wag mo akong iiwan. Lumaban ka, mahal ko. Tyler, no."
---