Y A N A
THE bell suddenly rang kaya hindi ko naisingit magtanong sa kanila. It means our first subject has begun.
Clash? Here? Seriously?
Kaya habang naglalakad kami sa hallway tinanong ko sila.
"What do you mean by clash?" seryosong tanong ko sa kanila.
Hindi nila ako nilingon man lang pero sumagot si Danna.
"I know what you feel, Yana. Curiousity kills. But we will tell you about that later." Nilingon niya ako. "About what's here in Royal University and what kinds of people."
Pasaring ko naman siya tinignan. "Later?" Hinarang ko sila upang mapahinto sila sa paglalakad. "Kahit summarize lang, tell me."
"May clash rito, clash of royalties," panimula ni Lolly.
"Princes versus Princesses," sabay sagot nila at natahimik ako.
Prinsepe laban sa prinsesa? Napakaimposible pakinggan. And if I were a fond of fairytales, magningitngit ang paningin ko. How will you feel na akala mong mag-aalaga sa 'yo at tratohin ka na parang prinsesa ay 'yon pa ang makakaaway mo?
From hearing the word clash, naisip ko na ang maaring mangyayaring sitwasyon. And one of it was what I witnessed a while.
They bullied the girls—princesses. And it was an eyesor-ing scene.
Napabuntong-hininga ako at tinalikuran sila.
Gusto nilang matapos ang clash. At dahil kasali na ako sa grupo nila—The Legendary Princesses. Pinapangako ko, tataposin namin ang clash na magkasama. Tataposin namin ang clash dito sa Royal University.
Ayoko kayang mag-aral dito na may clash, 'no. Magulo!
I want a peaceful school life! Masyado na akong nakakaranas ng magulong pamumuhay! Pati ba naman sa pag-aaral?
Nakauna ako sa paglalakad kaya ako ang unang nakapasok ng silid namin. Pero agad naman ako napayuko nang may biglang sumulpot na nilukot na papel. Aba! Pangalawang beses na 'to, ah!
Nagtaka naman ako nang biglang natahimik ang kaninang puno ng tawa at hiyawan ng mga lalaki sa silid. Nakatingin sila sa 'kin—mali, sa likod ko pala kaya dahan-dahan ako lumingon do'n.
At nasaksihan ko ang nagpipigil ng galit na si Lolly. Nakaangat ang kamao nito at may nilukot na papel.
"Sis, kalma," nag-aalalang ani Bella.
"Uh-oh, this can't be good," wika naman ni Danna.
Aakmang sisigaw na si Lolly nang bigla lang kami pinagbabato ng mga nilukot na papel! At sino pa ba ang gagawa? E di ang mga prinsepe raw!
"Grand welcome for a new girl classmate!" sigaw ng isang lalaki. "Fire!"
Ginawa ko na ang mga braso ko bilang isang panangga. Token, kapag ako napuno, lilipad talaga sila lahat papuntang kalawakan!
"Stop." Isang napakaginaw ngunit maawtoridad na tinig ang nangingibaw sa silid at nagpahinto sa kagulohan.
Napatuwid kami ng maayos at pinagmasdan ang sarili.
"We're classmates, huh?" Napalingon naman ako sa isang direksyon at nakita ang isang matangkad na lalaki na nakatayo sa harapan namin. Hawak-hawak nito ang ibinigay kong kahon.
"Andrew, truce muna tayo, puwede ba?" naiiritang wika ni Lolly.
"Sure."
Napasulyap naman ako sa mga babaeng kaklase ko na pawang mga nakayuko at hindi makatingin nang diretso sa 'min. May ibang umiiyak pa. Halatang binubully sila kanina lang.
Ngayon ko ring napansin, nahahati sa dalawang column ang silid. Column ng mga babae at column ng mga lalaki.
"Tara na mga sis, umupo na tayo, nakakangalay," reklamo ni Bella at hinigit ako palayo sa tinatawag nilang Andrew.
"You found a new recruit? And she's a Walton," biglang wika ni Andrew kaya napahinto si Bella sa pagkakalakad pati na rin sina Lolly.
Nagsingbulongan naman ang ilan sa mga kaklase namin.
"Walton?"
"She's the adopted child of Walton, right?"
"The rumours were true!"
"Pa'no na 'yan, andito siya nag-aaral sa RU?"
"Right. You think you can prevent us, huh? We succeeded and now we're even," wika ni Danna at ngumisi.
"Kahit na! Hindi niyo pa rin kami matatapatan!" sigaw ng lalaking bad boy na si Joseph kaya napatingin kami sa kaniya. Nakaupo siya sa huling row at pinaggigitnaan siya no'ng lalaking seryoso na si Dexter at lalaking mukhang playboy na si Kevin.
Nayabangan naman ako sa kanila kaya hindi ko naiwasan na sumigaw ng, "Ang yayabang niyo! Akala niyo naman kung sino!"
Natahimik naman sila at gulat na gulat na napatingin sa 'kin. Lalo na ang mga babae.
"Pa'no ba 'yan? May bago? Ibig sabihin, ang inasahan niyong mangyayari ay magbabago. Ililihis ko kung anong may'ron dito." Sinamaan ko ng tingin ang isang lalaki na nagtatangkang batohin ako ng papel. "Hindi niyo ko kilala kaya huwag kayong paeasy-easy na makipagtapatan sa 'kin— sa 'min. Kung susugod din naman kayo, huwag 'yong patago. Dapat harap-harapan." Diniin ko ang huling salita habang sobrang sama ang tingin sa lalaki. Iniwas ko na ang tingin sa kaniya at taas-noong nagsalita. "Don't underestimate us, especially me." Dinaloy ko ang tingin ko sa silid. "I'm sure, this school year is more exciting than before dahil andito na ang isang Yana." Tapos ngumisi ako, nagyayabang.
Ilang segundong katahimikan...
"Bravo, sis, bravo! Bagong sis naman 'yan!" sigaw ni Bella habang pumapalakpak.
Umupo na kami sa mauupan namin. Sa huling row, kung saan ka-row din namin ang apat na ugok na unggoy.
Tahimik ang mga kaklase namin at hindi pa rin pumapasok ang guro namin.
Masyadong mabigat ang atmosphere at intense. Pakiramdam ko, nang pumasok ako dito naging ganito ang paligid.
"I opposed about your speech awhile, not most of all, just one statement." Napalingon naman ako kay Danna na katabi ko ng upuan. Nakaupo siya sa may bintana, tapos ako, Bella at Lolly. Kinunutan ko siya ng noo at tinignan ng nagtatanong.
"Bakit?"
"We don't know you but did you consider that you don't know us either? Especially them? This university?"
Natameme ako sa tanong niya. Sa totoo lang, hindi lang din ang pagiging maarte ang nakikita ko kay Danna, pagiging mautak din.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Bawal magyabang? Psh," pasaring na sagot ko.
"I'm just saying, hindi rin kasi basta-basta ang group nina Andrew. Kasi kung mabilis lang sila to defeat or to convince, matagal na sana namin ginawa or nagawa. Mukhang nagyayabang ka lang."
Nilingon ko ulit siya. "Fine. May point ka. Pero sana naisip mo man lang na, wala pa akong kaalam-alam kaya nakapagsabi ako ng kung anu-ano. I don't want them to see me as weak for the first time. Gusto ko, makilala nila ako na may ipagyabang at may ibubuga." Nagsukatan kami ng tingin. "As I said, you don't know me, no one knows me, aside from being a Walton, we're quits."
And by that, hindi na ako makikipagplastikan, ang totoong isang Yana na ang makikilala nila rito.
At first, gusto ko, ang first impression nila sa 'kin dito ay mabuti, nagbago na ang isip ko, totoong kulay ko na ang ipapakilala ko sa kanila.
Kasi ang isang Yana ay hindi anghel—diyosa, isang diyosa.
Napatakip ako ng tainga nang bigla lang may matinis na tunog ang umalingawngaw sa buong silid.
"Attention Royalties! Faculty teachers has an urgent meeting and there's a little commotion happened. Please stay on your classroom and wait for your class adviser. The meeting will only take for a while. Thank you."
Isang boses ang nagsalita galing sa dalawang speaker rito sa silid. Akala ko echos-echos lang, ginagamit pala kapag may announcement, may nakikita rin akong mga flat screen TV sa mga corridor. Cool.
Nagsimula ulit ang g**o at ang nanggugulo lang ay ang mga prinsepe raw, dinamay pa talaga kami.
Pasimple naman akong sumulyap sa apat. Pareho silang nagtatakang pinagmasdan ang kahon at mukhang walang planong buksan. 'Yong totoo, bubuksan pa ba nila 'yan?
Napakunot ang noo ko nang mapansing nakangisi sina Bella at Lolly sa direksyon ng apat, natatawa pa nga si Bella. Parang may nagtulak sa 'kin na lumingon kay Danna kaya nang lumingon ako sa kaniya, pati siya ngumingisi. Nagtaka naman ako. Bakit gano'n—wait, don't tell me...
Muntik na akong mapasinghap nang lumingon si Dexter sa 'min, mabilis naman umiwas ng tingin ang tatlo at may pataghoy-taghoy pa. Umiwas din ako kasi nagtataka na akong tinitigan ni Dexter.
"Dude, why don't we open these boxes?" Awtomatiko namang lumingon ang ulo namin nang ibinanggit iyon ni Dexter.
"Oh my gosh, this is it, mga sis, our first move," excited na bulong ni Danna.
First move?
"Sure," sagot ni Andrew.
"Sabay tayo!" wika naman ni Joseph.
"I'm excited what's inside in this box," wika ni Kevin.
"At the count of three, we'll open these boxes, okay?" sabi ni Dexter.
"Okay. One... two... three..." sabay bilang ng apat. "Open!"
*boink*
"Aray!/Molly!/Darn!/Crap!" sabay aray nila.
Napakurap-kurap naman ako nang ilang beses bago humahagalakpak sa tawa. Napansin ko ring lahat kaming kababaihan ang tumawa.
Gulat na gulat ang mga mukha nila at... priceless! Haha! Sino ba naman ang hindi magugulat nang pagkabukas mo ng kahon bigla lang may lumalabas na boxing glove na may doodled face at sinuntok ka sa mukha? Shocks, nakakatawa talaga ang mga mukha nila, as in.
"Bwahahahahahaha!"
"Jack in the box—no, boxing glove in the box? What a surprise! Nyahaha!" maarteng tawa ni Danna.
"Libreng masahe para sa mga undeveloped na mukha ninyo! Mwahahaha!" tawa naman ni Lolly.
"Kamukha niyo na ang bida ng Planet of the Apes, promise! Walang mintis! Ahahahaha!" tawa naman ni Bella.
"Ito naman ang masasabi ko sa inyo—hahahaha!" 'Sensya naman, sinabi na nila ang dapat kong sasabihin e. "Hahahaha! Mukha niyo priceless, grabe!" At hindi ko talagang inasahan iyon ang laman ng mga kahon.
Natahimik naman kaming lahat nang tumayo ang apat. Siyempre, hindi kami natakot, hinintay lang namin ang gagawin nila.
"Sige, pagtatawanan niyo pa kami!" sigaw ni Joseph at binato ang kahon sa sahig upang mawasak ito. Nagsingkantyawan naman ang mga kalalakihan. "Oh? Bakit hindi kayo tumawa? Sabi nang tumawa kayo!"
"Ha-ha, ha-ha," napilitang tawa ng ilang mga babae.
"Shh," suway ni Danna kaya napaiwas na lang ng tingin ang mga babae.
Tumayo ang apat sa gilid ni Lolly.
Ramdam na ramdam ko ang mga awra nila, 'yong tipong manliliit ka sa sarili mo dahil sobrang taas ang tingin nila sa sarili nila at titiklop dahil sa kaangasan nila. Pero si Yana ata 'to, wala lang sa 'kin, hindi ako apektado! Ako pa!
"Nice one," nakangising wika ni Kevin at kumindat pa sa 'min. "Boxing glove, huh?" Tapos pinitik niya ang boxing glove kaya gumawa ito ng ingay at gumaywang-gaywang. "It is your idea, Danna, right? Cool." Kininditan niya si Danna at narinig ko na nilukot niya ang papel dahil siguro sa inis.
"I hate you, gorilla!" sigaw ni Danna at binato ang nilukot na papel kay Kevin na nakailag naman.
"Don't worry, I hate you too." At kumindat na naman siya. Kevin, ikaw ba 'yong nawawalang manika ng kaibigan ko na kumikindat na lang na parang sira? Psh. Kindat ng kindat e, 'kala mo namang maglalaway ang lahat ng kababaihan. Maybe mayro'n, pero hindi kaming apat kasali, 'no.
"Nasurpresa kayo, 'no? Nagustohan niyo?" natatawang ani Bella.
"Not at all," sagot ni Dexter sabay tapon ng kahon sa basurahan. Three points!
Ngumiwi naman si Bella at umirap. "Kill joy."
I agree with you, Bella, mahirap makisabayan ang taong iyan. Masyadong seryoso, mukha pa lang, halatang-halata na.
"Aminin niyo na lang kasi, na talagang nagulat kayo," wika ni Lolly. "Hello, first time namin nagawa 'yon ever since we're in high school?" sarkastikong sabi niya. "Thanks to our new recruit." Tinapik niya ang balikat ko. "We got our first victory."
Palihim naman ako ngumisi. Dahil sa 'kin? Hahaha!
"Weh, 'di nga? Binola mo lang siya e. Ang mean mo, Lolly." Pinaglisikan naman ni Lolly ng mata si Joseph pero ngumisi lang ito sa kaniya.
"Nagsasabi ako ng totoo!" bulyaw ni Lolly at muntik nang mapatayo. Mabuti na lang, pinigilan siya ni Bella.
"Try better next time." Agad namang nagsingtayuan ang mga balahibo ko nang narinig ko ang boses niya—ni Andrew. "To tell you honestly, I was a bit surprised."
"Warm up pa lang 'yon kaya pagbubutihin talaga namin sa susunod!" giit ko.
"Are you sure?"
"I am sure!" Tapos nagsukatan kami ng tingin. Kita mo na, ang baba ng tingin niya sa 'min! Psh.
Siya ang unang umiwas ng tingin sa 'ming dalawa. "We will wait for that," wika niya at bumalik sa pagkakaupo. "Before I forgot." Lumingon siya sa 'kin, oo, sa 'kin lang! "Our group's name is The Master Princes. And we're the masters of this university," maginaw na sabi niya.
Heh, feelingero! Humanda kayo sa 'kin. Wala akong pakialam kung kayo ang master! Basta hindi ako magiging isang sundod-sunoran ninyo at magiging isang babaeng api-apihin niyo lang. Never!
Maya't maya, may nagsalita na naman sa speaker.
"The meeting has already finished. Any moment your class adviser will going to enter your classroom. Thank you for the consideration and waiting patiently, royalties."
Bumukas ang pinto at iniluwa iyon ang isang guro na kumikimbot-kimbot, wala itong pakialam sa mga kalat na nasa sahig. Just wow.
May hawak itong pamaypay at ang bag nito—na pambabae—ay nakasabit sa braso niya. Akala mong babaeng naka-cleancut pero mali, lalaki ito na nakasuot ng pormal business suit. Pagkaharap niya sa 'min, inilapag niya ang mga dala niya sa teacher's table. Nabasa ko naman ang naka-engrave na pangalan sa nameplate niya,
Mr. Philip
Grade A10's Class Adviser
Beking guro? Not bad. She—or he? Ugh, nevermind. Maybe he's not a kind of terror teacher. Masayang guro raw ang mga beki.
Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang mahinang singhap ng tatlo.
"Oh no, we are doom," bulalas ni Danna.
"So doom, sis," hirit ni Bella.
"Beki siya, beki ang adviser natin. Sa dinami-dami, bakit siya pa?" madiin na bulong ni Lolly na sobrang gulat talaga sa nakikita nila ngayon.
"We thought..." Nagkatinginan silang tatlo. Ugh, hey, I'm kinda out of place here? "Aist. Ang kaisa-isahang beki sa Royal University," sabay wika nila. "Mr. Philip."
"What's the big deal? Ano naman kung beki ang guro natin? Hindi magiging boring ang subject natin niyan!" sabi ko sa kanila na ningiwian lang naman ako.
"Mr. Philip is different, he's feelingerong babae but his side are not on us. He's biased," sagot ni Danna.
"What do you mean?" takang tanong ko. E, ano naman, 'di ba?
"Kawawa tayong mga girls," dugtong ni Bella.
"Bakit naman kawawa?"
"Kasi nga beki siya," naiiritang sagot ni Lolly.
"E, ano naman kung beki siya, ha?" naiiritang tanong ko naman sa kanila.
"DAHIL LOYAL SIYA SA MGA LALAKI!" sabay sigaw nila sa 'kin kaya napatakip ako ng tainga. I just made for lions roar. My bad.
'Sensya naman, kuryoso lang, e.
"Girls at the back! All four, stand up!" sigaw ng guro naming beki na si Mr. Philip. Agad naman kami tumayo.
"Ayan tuloy," nguso ni Bella at nagpeace sign ako sa kanila.
"You! The girl without a crown! Kabago-bago mo pa lang dito gumaganiyan ka na!"
Narinig naman namin ang tawanan at hagikhikan ng mga lalaki kaya sabay-sabay namin sila nilingon t'saka sinamaan ng tingin.
Hindi man sila sinaway ng guro naming beki kahit sobrang ingay nila! Tama nga naman sila, biased nga ang letseng ito!
Yup, he's a teacher, we should respect him, but like him? Unfair! He don't have a rights to be respect if he gave us biased treatments! Take note, he's our class adviser!
Akala ko pa naman masaya 'tong maging guro, e, pero nagkamali ako ng akala.
If you were on my shoe, what will you do? Psh. I'm sure, mananahimik ka lang at hahayaan mo na lang ang beking ito.
"Excuse me, Mr. Philip?" Napalingon kami sa pinto at nakita si Mrs. Tolentino na nakatayo do'n.
"Mrs. Tolentino! Please come in," masayang wika ng plastik na beki na may malapad na ngiti pa. Yumuko sila sa isa't isa matapos makapasok ni Mrs. Tolentino.
Tatayo na sana ang mga kaklase ko nang tinaas ni Mrs. Tolentino ang palad niya kaya hindi natuloy.
"Where's Elliana May Walton? I would like to check on her if she's fine," nakangiting wika ni Mrs. Tolentino.
"Elliana—who?" taas-kilay na tanong ng beki.
Naparolyo ako ng mata. I'm here, Mrs. Tolentino. And I am not fine, right now.
"Mrs. Tolentino!" Tinaas ni Bella ang kamay niya at iniwagayway ang kamay para maagaw ang atensyon ni Mrs. Tolentino. "Nandito lang ho ang hinahanap mo!" Napalingon si Mrs. Tolentino sa 'min at mukhang nagtataka kung bakit nakatayo kaming apat.
"Oh, girls, why are you standing?" takang tanong ni Mrs. Tolentino sa 'min.
Aakmang sasagot kami nang biglang humirit ang beki.
"Actually, they volunteered to answer my question, Mrs. Tolentino." 'Yon ang sinabi ng beki kaya napakibot-kibot ang labi ko at kilay sa inis.
"WHAT?! LIAR!" sabay sigaw naming apat.
"Girls!" sigaw ni Mrs. Tolentino sa 'min kaya napairap kami sa beki at pinaglilisikan siya ng tingin. Humanda ka sa 'min mamayang beki ka! "Go to the Royal Guidance Office! It's not right to yell to your teacher! That's an ungraceful act as a royalty! Plus shouting an offensive word!" maawtoridad na sabi pa niya kaya napanganga ako. Seryoso?!
Lumakas ang mga tawa ng mga lalaki kaya mas kumulo ang dugo ko sa inis. May masasapak talaga ako anytime!
"Boys, quite!" Ayon natahimik. "Girls. Now," madiin na tawag ni Mrs. Tolentino sa 'min.
Shocks, unang araw ko pa lang dito, Royal Guidance Office agad ang bagsak? Hindi ba puwede ang beki na lang para siya naman ang maturuan ng leksyon kung pa'no ang salitang honesty at biased treatment? Kainis!
---