Chapter 27: Tiffany A C E POV "Ang kulit kulit mo,Alex! Bawal nga. May sakit kapa." Nababadtrip na sabi ni Krystal. "I can handle myself!." turan niya at bumungon sa kama nya. Ang kulit ng lahi! San ba nagmana tong si Alex? Kung ako may sakit, malamang sa malamang masaya pa ako dahil hindi ako makakapasok. "Hayaan mo na ngalang sya, kaya nya na yan." Sabi ko kay Krystal at nag-lapag ng apat na tasa sa table malapit sa kama. "Magpa-late nalang tayo. Ays lang naman eh" Sabi ko, tinanguhan naman nila ako. Time na ng break time ng pumasok kami kaya madami na naman ang nakatingin samin. Nginitian ko si Ian at Ina at inaya sila na sumabay samin sa table. Ipapakilala namin sila sa mga kaibigan namin dito eh. "Yow!" Bungad ko sa kanila at naupo sa tabi ni Sebastian, ayus naman na kaming

