“KAILANGAN ko ng tulong mo.” Wala nang paligoy-ligoy pang bungad ni Jake kay Gypsy nang puntahan niya ito sa café nito. Dalawang araw lang siya sa Manila kaya isiningit niya sa itinerary niya ang pagsadya rito pagkatapos ng ilang sunod-sunod na meetings na pinuntahan niya. Mamayang gabi ay bibiyahe na siya uli pabalik ng Auckland. Hindi man tumalab ang pangontrang sinabi ni Gypsy kay Jake ay nakuha na nito kahit paano ang tiwala niya. At siguradong pagtatawanan siya ng mga kaibigan sa oras na malaman iyon. Kabaliwan na kung kabaliwan. Pero nakahanda siyang maniwala sa kahit na kanino o kahit na saan kapag may kinalaman sa kanyang pamilya. And right now, he will trust this Gypsy. Lalo pa at nagkatotoo ang naging hula nito noon sa kanya. At desperado na siya. “Kailangan k

