“THANK you not just for tonight, Tim. But for everything.” Ngumiti si Timothy kay Lea nang makita ang sincerity sa mga mata nito. Kahit kailan talaga ay napakadali nitong basahin. Marahang hinila niya ang dalaga palapit sa kanya at hinagkan sa noo. Bago niya nakilala si Lea ay wala siyang ginusto na hindi niya nakuha. Sa bawat gagawin niya ay sinisiguro niyang nananalo siya. Na nagtatagumpay siya. Ganoon rin pagdating sa babae. Kapag may nagugustuhan siya ay nakukuha niya. Wala siyang pakialam sa kung paano mang paraan makuha ang gusto. Ang mahalaga ay makuha niya. But meeting Lea changed him. At kusa niyang niyakap ang mga pagbabagong dinala nito sa buhay niya. Ito ang nag-iisang babaeng hindi niya nakuha. Hindi na siya gumawa ng paraan para makuha ito. Dahil duda siya

