Sinerve na sa'min ng mga waiter ang naka-handang inorder ni Jon para sa'min. Planado niya talaga lahat even ang foods namin siya na ang pumili. At lahat ng foods na nakahanda ay paborito ko. Hindi ko akalaing gagawan ng effort 'to ni Jon. Wala 'to sa personality niya e. "Nagustuhan mo ba 'yong mga pagkain?" Tanong ni Jon sa'kin. "Yeah! Mukhang nag research ka kung ano ang mga paborito kong pagkain a." "Yeah! Nag tanong ako kay Mark." Baklang 'yon! Hindi manlang ako sinabihan. May biglang dumating na isang lalake na may bitbit na violin at nag simula itong mag play. Wow! Para ganitong-ganito ang mga korning napapanuod ko sa tv. Pinunasan ni Jon ang labi niya gamit ang table napkin tsaka siya tumayo mula sa pagkakaupo niya at nag lakad papalapit sa'kin.

