Xandy Ferrer Kumakain na kami ngayon ng dinner na niluto ni Bianca for us. She's just looking at me and also Balong habang kumakain kami kaya hindi namin ma-iwasan ang ma-ilang. Para kasing, siya 'yong Nanay ni Balong. Siguro siya talaga Nanay ni Balong, nabuntis na siya noong five years old siya kaya kung tignan niya kami para siyang terror na Mom. "Can you please stop that!" I told her. "Stop what?" "That... staring. Nakaka ilang 'teh!" "May gusto sana kasi akong itanong e, kaya lang hindi ko alam kung dapat ko bang itanong." "Itanong mo na!" Balong said. Tumitig siya sa'kin. "Ano'ng nakita mo kay Balong?" "Ano bang klaseng tanong 'yan, Ate?!" "Shh!!" She snapped him. "Uh... Well," Tumingin ako kay Balong, nag smile lang siya sa'kin.

