Like Althea could handle this night getting anymore surreal. Oo, hindi niya inaasahan na ganito ang secret lair ni Jazz, pero inisip na lamang niya na siguro may rason ang lalaki kung bakit dito ang napili niyang lugar para sa kanyang hideout. Heto nga at bumaba siya sa hagdan na di niya alam kung anong nasa ibaba niyon. Naroon daw kasi ang police scanners at satellite communications equipment? Plus firearms at gadgets? Hindi kasi niya matukoy kung seryoso ba ito o nagbibiro lang. Nang nasa panghuling baitang na siya sa hagdan biglang lumiwanag ang buong paligid. At nang mapalingon siya, nakita niyang nakaupo na sa harap ng metal table si Jazz. "Itong secret basement ko, inaasahan mo ba ito sa loob ng bahay ko?" Pinagala niya ang paningin sa paligid. "Medyo." Marami ngang n

