Nagmamasid lamang si Jazz sa reaksyon ng mukha ni Althea, alam niyang nagtapang-tapangan lang kasi ang babae para patunayan sa kanya na kaya nito ang lahat. Alam niyang natatakot din ito sa mga oras na yon dahil ang putla-putla ng mukha nito. "Pull over. Ako na ang magmamaneho pabalik." Ngunit napapailing lang si Althea. Bagkos ay inihinto nito ang kotse sa gilid ng kalsada na may malaking punong-kahoy. Kunsabagay, malimit lang naman ang sasakyang dumadaan doon. "Mukhang ligtas naman dito para mag stop-over." sabi ni Althea, at bigla nalang nanlaki ang mga mata nito. "Oh my God! I did it, nagawa ko di ba?" Muntik na nga niyang masabi sa dalaga na lumevel up na nga ang bilib niya rito, ngunit ayaw niyang purihin ito dahil sobrang delikado pa rin ng ginawa nito. He had no id

