CHAPTER 40 Pumunta kami sa pinaka malapit na 24 hours convenience store. Hindi Mini stop, 7/11 or Fines. Ang pangalan DEN. Ano kayang klaseng pangalan yon? Pumasok kami sa loob habang iniisip ko parin yung pangalan. "Den? Ano yon kulungan ng manok?" "Wagas lang manlait PO? Hindi ba pwedeng nickname muna yon PO?" Nilingon ko yung nag salita. Isang batang maliit na masama ang pagkakatingin sakin. "Sino ka?" "Tao PO? Ako po ang anak ng may ari nito. Ako si Denaley Brel Siyreen mMontevedre. Apo PO ng lola kong maganda na si Denaley Siyreen Montevedre at lolo kong gwapo na si Brel Montevedre. Anak ng magulang ko PO na si Jonas Montevedre at Kylie Montevedre, pero nickname ko Den." Napatulala kami nila kuya Wynd at kuya Ice sa bata. San ba galing planeta to? Puma

