CHAPTER 33 Ang laki ng pagkakangiti ko, alam niyo kung bakit big smile? Nandito na kasi kami sa dating headquarter ng BHO, lahat kami excited sa pagbalik. Tulong-tulong kami sa paglilinis dahil ang dumi na ng loob ng HQ dahil matagal na ring nabakante. Para nga kaming ipo-ipong lahat dahil pabalik balik kami. Si Rain naman ay hindi na nakapag-intay na gumaling ang bugbog niya sa katawan. Magdamag niya atang ginagawa ang system ng BHO. This time wala ng loopholes, kung dati invisible na kami, mas lalo kaming naging invisible ngayon. "HOY!" napapitlag ako. Lumingon ako sa nanggulat sa akin. Kael Paul. "Long time no see, kutong lupa. Saan ka ba nagsusuot?" pang-aasar ko kay Kael. "Diyan lang sa tabi-tabi." Sagot naman ni Kael sa akin. Napailing na lang ako. Pinagpatuloy ko na an

