CHAPTER 29 Natatawa ako sa itsura ni Rain ngayon. May spiral na kulay pula sa magkabilang pisngi niya pagkatapos ay puting-puti yung foundation na nakalagay sa kaniya. Namumula din ang labi niya pagkatapos may kulay itim na eye shadow at kung ano-ano pa. May mga tali din ng sanrio sa buhok niya. Hindi ko na mabilang kung ilan. At sino pa ba sa tingin niyo ang may kagagawan? Syempre ang dalawang kolokoy na dino-drawingan pa ang mukha ni Rain gamit ang make-up namin ni Summer. "Alam niyo mapapatay kayo ni Rain kapag nakita niya yang itsura niya." Natatawang sabi ko sa kanila "Okay lang yan, dapat masanay na siya kasi magiging daddy na siya." Katwiran naman ni kuya Ice. Kung sabagay, dati ng kami nila kuya Ice dinodrawingan namin sila Momma at Papa kapag natutulog sila. Paggising

