CHAPTER 25 Hay, maaga kaming nagising kanina. Magkakatabi kaming natulog dito sa sala dahil ayaw nila kuya Ice na maghiwalay-hiwalay. Ang tagal din bago sila nakatulog dahil daw feeling nila may nakatingin sa kanila. Imagination nga naman oh, pero ako mahimbing ang tulog ko. Especially kayakap ko ang human HOT teddy bear ko. Kasalukuyan namin na hinahanap ngayon ang next clue, nilingon ko si Rain na nakaupo sa isang kama sa isang guess room. Hinahanap namin ang mga clue sa mga clock, since 'tick' yung nakalagay. But the 'Woosh' didn’t make any sense. Nilapitan ko siya. "What's the problem?"-me "Wala naman, iniisip ko lang ‘tong mission nato. Kung bakit binigay satin." "What about it? Anong problema?" "Para kasing may mali, hindi gawain to ni Tito Poseidon. He won’t

