Chapter 3

1320 Words
CHAPTER 3   Naghihikab pa ako ng bumangon ako sa kama. Naghilamos ako at nag-toothbrush pagkatapos ay tinatamad na lumabas ako ng kwarto ko. Nagugutom na ako kaya hindi na ako nagpalit ng damit. Hindi na ako nagabala na magsuklay. Parang wala pa naman ako sa sarili ko kapag bagong gising ako, kaya parang zombie ako na naglalakad papunta sa dining hall. "Gosh!! Wynter! Muntik nang malaglag ang puso ko sayo!" Nilingon ko yung nagsalita. Isang babae na nakashades pa, at nakasuot ng sexy na damit. Babae na matagal ko naring hindi nakita dahil na-banned siya dito sa BHO. Of course, kung iisipin mo, kailan pa nag-banned sa BHO? Yon ay ang pauso ni Warren at hindi kami kasali sa banned thingy nayon. Kumbaga kahit anong gawin namin na kalokohan ay hindi kami naba-banned, pero pwedeng ma-banned kami sa mga mission pero hindi sa BHO. Isa lang ang taong binibigyan ni Warren ng ganoon,walang iba kundi...Si Sophia! Ang kapatid ni Warren, well not exactly. They do grew up together, pero hindi sila blood related. Magkasundo kami ni Sophie dahil una, kikay kaming pareho, pangalawa pareho kaming nangliligaw sa aming mga darling. "Kamusta ang panliligaw mo kay Warren?” "Ganun parin, itutuloy ko na ngayon ang naudlot na panliligaw ko sa honey pie ko. Kung hindi ba naman niya ako binanned dito eh di sana may improvement na." "Gulatin mo ba naman kasi ng magala-gogo dancer ka sa harapan niya, alam mo naman ang mga boys ng BHO, mahihina ang puso nila sa ganon." Sumimangot si Sophie, natatawa ako na naglakad na papunta sa dining hall. Katabi ko si Sophie, naalala ko na naman yung itsura ni Sophie at Warren noon. Nabulabog ang mahimbing na pagtulog namin sa madaling araw last week. May narinig kaming nagtatalo kaya lumabas ako at naabutan ko si Warren na pinapagalitan si Sophie na sobrang nipis ang suot. Nakabukas ang pinto ng kwarto ni Warren at naririnig ko pa ang tugtog na 'Careless Whisper'. Nalaman namin na nag ala-gogo dancer nga si Sophie at inakit-akit si Warren. At ang Warren naman naeskandalo kaya pinagalitan si Sophie. Napahagalpak ako ng tawa ng maimagine ko na naman ang mukha nila noon. "Ang sama mo talaga Wynter, pustahan tayo kung hindi ako ang naunang gumawa non, gagawin mo din yon kay Rain." "Wala akong balak dahil baka atakihin ang darling ko kapag nakita ang kagandahan ko, kaya medyo dinadahan-dahan ko lang ang pang aakit sa kaniya." "Good luck na lang." "Oo nga. Good luck sating dalawa." Nakangiting pumasok kami sa dining hall, ituturo ko pa lang sana kay Sophie si Warren, pero naunahan na niya ako dahil mabilis na tumakbo na siya at tinalunan si Warren na nakatalikod. "Get off me Sophia!"  "Ayoko nga, WARREN!." "Wala ka talagang galang. Kuya mo ako okay?" "Hindi kita kapatid." Naiiling na lang ako at kumuha na ako ng pagkain, tapos nagikot-ikot ako para tignan kung saan ako pwedeng umupo. "Bakit lumabas ka ng kwarto ng naka ganyan? Hindi ka man lang nagsuklay." Nakangiting nilingon ko yung pinanggalingan ng boses. My darling Rain. Nasa isang sulok siya at kumakain, dali daling umupo ako sa tabi niya at sumiksik. "Bestfriend!" "Hindi kita sabi bestfriend." "Oo nga pala! Girlfriend pala. Hi boyfriend!" "Hindi kita girlfriend." "Ang sungit natin ngayon ah, Darling.Nami-miss mo na naman ang kagandahan ko no? Naku! Ikaw talaga, ilang oras lang tayong hindi nagkita eh" "Eat. Nawawalan na ng nutrisyon ang utak mo kaya nagiging delusional ka na." Nakangiting kumain na ako. Gutom na kaya ako. Sunod-sunod yung subo ko and of course, bunga ng pagiging sugapa ko. . . nabulunan ako. Naramdaman ko na may inabot sakin si Rain. Tubig. Tapos hinagod niya ang likod ko. Kahit medyo ayos-ayos na ako ay umarte parin akong iniuubo. Syempre lulubusin ko na para maka-tsansing ako. “Ano ka ba naman Wynter? Para kang mauubusan ng pagkain. Hindi tatakbo yan wag kang mag-alala." Pasimpleng napangiti ako at umubo ng umubo. Humawak pa ako sa tapat ng puso ko na parang inaatake, nakita kong nangunot na yung noo ni Rain at tinignan ako. Tumigil narin ako at nag pout, buko na. "Kung hindi lang mabait si tita Kat baka ginawa na kitang practice-an ng mga baril." "Kaya kita loves Darling Rain eh. I love your sense of humor."  "Hindi ako nagbibiro. Minsan talaga, no scratch that. Madalas talaga parang gusto kitang tadtarin ng bala." "Pag ako na dead malulungkot ka rin, tapos ma de-depress ka, maglalakad ka sa gitna ng ulan, kikidlat at tatama sayo. Pero makakaiwas ka, tapos mapapaisip ka, then tatalon ka sa tulay na pinaka- malapit para made-dead ka na rin. Tapos aakyat ka sa heaven at makikita mo ako na isa na akong anghel, at dahil sa hamak ka lang na kaluluwa, hindi tayo pwede ibabalik ka sa isa pang katawan, tapos magiging monghe ka, dahil hindi mo makita sa kahit kanino ang kagandahan ko...BOW." Nag bow pa talaga ako, nakita kong naka-kunot noong uminom ng tubig si Rain. But I can see it, pinipigilan niyang ngumiti. Im the Queen of the world! Napangiti ko ang taong pinagkaitan ng ngiti! Yeh Oh Yeh, Teach Me How To Dougie! "You're crazy." "Maganda naman." "Sinong may sabi?" "Ang momma ko at papa ko! Bakit may angal ka? Sabihin mo lang at ilalaban ko to sa korte." Dinutdot lang ni Rain ang noo ko, tapos nagpatuloy siya sa pagkain. Tapos ako naman nakangiti at parang nakarating na sa heaven na hinawakan ko yung noo ko. Hindi muna ako maliligo, mga 5 years akong hindi maliligo para hindi mabura ang touch ng Darling ko. "Anong nangyari sayo Wynter?" Nilingon ko si Hurricane na mukhang kagigising lang din, umupo siya sa tapat namin ni Rain. "Wala naman. Ikaw anong nangyari sayo?, Bakit parang ang lalim na ng eye bags mo?" "Busy ako eh." "Saan?" "Wala." "Ano kamo? Busy ka sa wala?" "Aba Wynter, hindi mo ba alam na mahirap magpaka-busy sa wala? Magbasa ka kasi ng libro ni Bob Ong at para magkaintindihan tayo." "Ayoko nga." "Bakit naman?" "Baliw na nga ako tapos kapag binasa ko pa yon baka lumala ako lalo. Tignan mo ikaw." Nakangiting nag thumbs up si Hurricane. Mukhang tinanggap pa niya yon as a compliment. Puro baliw nga ata ang mga babae sa BHO. Katulad na lang ng babaeng yon na tumatakbo at hinahabol ang isang lalake, may dala siyang mahabang stick na halatang ipangpapalo dun sa lalake. Walang iba kundi si Summer Davids at ang kapatid ko na si ukya Ice. Ang alam ko may crush si kuya Ice kay Summer, kaya kadalasan ay nakasunod siya kay Summer at nagpapa-cute. Pero kadalasan pag pumapalpak siya nagiging dahilan iyon para magalit si Summer at yan ang nagiging resulta. "Bakit sinabi mo na ikaw si Wynd kanina? Akala ko pa naman kausap ko si Wynd! Mahalaga ang pag-uusapan namin iyon pala nag aksaya lang ako ng hininga!" "Ano ka ba naman Summer baby? May alam din ako sa business, business man din ako ah!" "Magka-iba kayo ng business ni Wynd! I'm gonna kill you! Buti na lang naging babae si Wynter, kung hindi nakalbo na ako sa inyo!" Natawa ako, magkaka-mukha kasi kami. Syempre mas halata kay kuya Wynd and kuya Ice dahil syempre lalaki sila, at ako maliit lang ako. So...hindi ako mukhang lalake. Napalingon ako sa pinto ng pumasok ang apat na laging magkakadikit. Si Ania Gabrielle, Cathlea, Jarrence at Terrence. Anak ni Tita Zyth at ni Tito Hex si Jarrence at Terrence, si Ania anak ni Tita Ellaissa, si Cathlea anak ni Tita Jasmine. Sa pagkakaalam ko, boyfriend ni Ania si Jarrence, at si Terrence naman ang boyfriend ni Cathlea. Though parang hindi match, kasi feeling ko mas bagay si Ania kay Terrence at si Cathlea kay Jarrence. Ewan!!Imagination ko ata. "Wynter." Nilingon ko si Rain, tinuro niya ang pagkain ko na ang ibig sabihin ay ituloy ko ang pagkain ko. "Rain." "O?" "May puso ka ba?" "Ha?" Mukhang nagtataka siya dun sa tanong ko,  napangiti na lang ako. "Kasi, nawawala yung puso ko eh. . .tinatanong ko lang kasi baka na sayo. Ayieeee!"  Nakita kong ngumiwi si ate Hurricane at nagsabi ng 'corny'. Tinignan ko si Rain na siguradong susupalpalin na naman ako pero iba ang nabungaran ko dahil sa pagkagulat ko ay nakita ko siyang nakangiti. Totoo ba ang nakikita ng magaganda kong mata? Si Rain my darling? Ngumiti?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD