Malalim na ang gabi ngunit gising na gising pa rin ang diwa nina Silver at Megumi sapagkat alam nilang may mga kalaban na umaaligid sa labas ng mansyon. Nang masigurado na nilang ligtas na ang kapaligiran. Maingat silang bumaba ng kwarto ni Silver. Habang si Berry naman ay mahimbing nang natutulog sa kwarto ni Silver. Pagkababang-pagkababa pa lang nila ng hagdan mababakas sa mukha ng mga taong naroon ang gulat sa taong kasama ni Silver. Dahil dito hindi mapigilan ni Megumi na mapangisi dahil sa nakita niyang reaksyon ng mga ito. Ang mga katulong na kanina lamang ay naglilinis ng mga kalat na dugo, ngayon ay napatigil sa kanilang ginagawa habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa taong nasa harapan nila. Tila ba daig pa ng mga ito ang nakakita ng multo dahil sa reaksyon ng mga ito habang n

