LUMIPAS ang mga araw at unti-unting humupa ang nerbiyos na naramdaman ng magkambal. Dahil na rin sa tulong ng kanilang pamilya. Hanggang sa nagdaan ang ilang buwan at tuluyang naka-move-on ang dalawa at nabura sa kanilang isip ang sinabit nila noon. "Zandrie, gusto mo bang mag-outing tayo sa Laiya San Juan, Batangas?" nakangiting tanong ni Symond. "Hmmm... gusto ko iyan, Kailan ba?" masaya, nitong tugon. "Gusto mo bukas?" "Sige. Uhmmm... tawagan ko sina Zandra." "Okay. Tawagan ko rin si Anton, magpa-reserve ako ng room for us." ( Symond... . Calling... ) "How are you, Symond?" "I'm good! And you?" "I'm fine, my family is here now." "Really? That's good! By the way napatawag pala ako para magpa-reserve ng three rooms for one-week." "Don't worry, ako ang bahala. Kailan kayo pu

