"Take a seat first," turo ni Calix sa sofa niya sa isang tabi. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa bahay niya kung saan niya ako dinala. Honestly, I am disappointed. Ang dami kong inisip na mga lugar kung saan kami pwedeng pumunta tapos dito lang naman pala ang hantungan namin but I can't do anything naman. I should respect his decision as well as his career. 'Ito siguro ang kalbaryo ng mga girlfriend ng mga artista na kailangan itago dahil sikat ang love team no?' Ang hirap pala. "If I were you, I would start distancing myself to Calix," natigilan ako nang bigla ko na naman naalala ang sinabi sa akin ni Greg noong una ko siyang makilala. Unang kita pa lang namin iyon but he already told me that. Dahil na rin siguro batak na siya sa ganitong industria kaya alam na niya kung ano ang pa

