"I'm sorry, galit ka ba?" nakangusong tanong sa akin ni Janella while leaning on my table. Malalim naman akong napabuntong hininga at tinignan siya. "Janella, hindi ko alam kung ilang beses ko pa na dapat sabihin sa iyo. Pero pang-anim mo nang tanong iyan. Hindi nga ako galit sa iyo." Napangisi naman si Janella and I immediately knew na pinagtitripan niya lang ako. "Alright, naninigurado lang naman ako. Kumusta pala ang study mo kagabi?" curious na tanong niya habang hinahanda ang gamit namin. Lunch time kasi namin ngayon at plano namin na kumain sa cafeteria ng school dahil mas mura doon kumpara sa mga pagkain sa labas. Plus, nagka-trauma na yata kaming dalawa ni Janella na kumain kung saan-saan lang dahil sa nangyari sa amin na food poisoning noong high school kami. "Okay naman,"

