"I am excited for the one week na wala tayong pasok. Pero shuta, hindi ako masaya sa ganito ah?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Janella sa tabi ko habang nagmumuokmok sa notes niya. Malapit na naman kasi ang annual university week namin and everyone is so busy practicing na para sa kanilang sinalihan. Janella joined the props committee dahil tinatamad daw siya na mag-all out this University week. Para daw tapos na kaagad ang gawain niya pagkatapos mabuo ang props kaya wala akong nagawa at sumali na lang rin ng props committee. Since malapit na ang university week ay shortened ang period ng mga classes namin ngayon dahilan para bilisan ng mga professor namin ang lessons nila kaya halos wala kaming maintindihan. "Sige lang. Isipin na lang natin ang gagawin natin na walang kwento kung darating

