"Punta tayong library," yaya sa akin ni Janella na ikinagulat ko. Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin na ngayon ay nakatayo sa harap ko at hinihintay ako na sumama sa kaniya. "Ano ang nakain mo at bigla ka na lang nagyaya na pumunta sa library ngayon ah?" usisa ko at sinapo ang leeg niya para tignan kung meron ba siyang lagnat. "Hindi ka naman mainit kaya malabong may lagnat ka" nagtatakang tanong ko. "Baliw! May kailangan lang akong tignan," natawa na lamang ako nang kusa na niya akong hinila patayo. Wala akong nagawa kundi sumunod na lamang sa kaniya papuntang library. Our library is made up of glass window kaya sa labas pa lang ay kita na kung sino ang mga students na nasa loob. Iniwan namin ang bag namin ni Janella sa may bag counter kung saan binibigyan kami ng numbe

